Chapter 1: Shane's Return

59.5K 893 130
                                    

"Sigurado ka bang handa ka ng bumalik ng Pilipinas? May ilang minuto ka pa para magbago ng isipan." Sambit niya habang nakaupo kami sa bench ng waiting area sa airport.

Nakapag check-in na kami at hinihintay na lang ang boarding namin. Ganitong-ganito din iyong pakiramdam ko apat na taon na ang lumipas.

"Sigurado na ako at handa na ako. Isa pa, wala naman akong tinakasang krimen sa Pilipinas kaya hindi ako dapat matakot sa pagbabalik ko."

"Tama ka nga. Huwag kang mag-alala, andito lang ako. Giniginaw ka ba? Bibili lang akong kape." Sambit niya saka siya tumayo. Pero agad ko namang hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"Salamat sa lahat... Jed." Sambit ko saka siya ngumiti at umalis para bumili ng kape.

*flashback*

"Okay ka lang ba?"

Bigla nalang akong napalingon sa katabi ko pagkatapos kong marinig ang isang pamilyar na boses.

"Jed? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. 

Sobrang gulat na gulat ako nang makita ko siya. Pero nalilito rin ako kung bakit andito siya sa tabi ko. Lumingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko nakita si Queeny.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Pupunta kang Tokyo? Kasama mo ba si Uno? Magtatanan ba kayo?" Tanong niya sa'kin.

"Ang dami mo namang tanong. Sa New York ang punta ko. Wala kasing direct flight don diba kaya connecting flight 'to. Tokyo pa yata ako tapos deretso na ng New York. Si Uno naman hindi ko kasama. Ako lang mag-isa. Naghiwalay na kami. Ikaw ba? Nasan si Queeny?" Tanong ko naman sa kanya. 

"Naghiwalay na rin kami ni Queeny." Mahinang sambit niya. "Pinaghiwalay kami ng Mama niya. Wala na akong magagawa. Ginawa ko lahat para ipaglaban ang pagmamahalan namin pero talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkatuluyan. Ayaw ng langit na magsama kami. Kailangan ko nang tanggapin."

Hindi nagtagal nag take off na ang eroplano at medyo nahihilo ako dahil first time kong makasakay sa eroplano. Gusto ko pa sanang kausapin si Jed pero pinili ko nalang na tumahimik para pakalmahin ang sarili ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin.

"Oo medyo nahihilo lang ako."

"Huhulaan ko. Pinaghiwalay kayo ng Mama ni Uno at pinapatapon ka niya ngayon sa New York?" Tanong ni Jed sa'kin at tumango lang ako.

"Pareho pala tayo ng kapalaran Shane. Haha. Nakakalungkot pero nakakatawa. Ang saklap ng tadhana sa'tin noh?"

"Kinakabahan nga ako. Wala akong kakilala sa New York. Hindi ko alam ang lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." 

"Huwag kang mag-alala. Andito naman ako. Tutulungan kita." 

*end of flashback*

Si Jed ang taong tumulong sa'kin para mag-umpisa ng bagong buhay. Siya ang naging sandalan ko, siya ang taong naging takbuhan ko sa mga problema ko.

Tinapos ko ang pag-aaral ko sa New York at nagtrabaho sa kompanya nila Jed. Ginamit ko ang pera na natanggap ko mula sa Mama ni Uno para mag invest sa kompanya nila Jed.

Magkapit bahay kami kaya mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa pati na rin sa mga magulang niya na tinuring akong parang sarili na nilang anak.

Sa apat na taong pananatili ko sa New York, binago ako ng panahon. Mas lalo pang lumago ang negosyo nila Jed at kakambal nito ang paglago ng pera at ng sarili ko. 

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon