Chapter 31: DNA

35.7K 622 39
                                    

Masakit man, wala na kaming choice kundi ang umalis sa bahay nila. Gusto ko mang ipilit na anak ko ang batang nakita ko, alam kong mali dahil wala akong proof na maibibigay.

“It’s okay.” Sambit ni Jed habang nasa kotse kami.

“Mahahanap din natin siya.” Sambit ni Manang.

Tahimik lang ako. I have never been this depressed my whole life. ‘Yung inakala mong nasa harap mo na ang anak mo pero hindi pala. ‘Yung inakala ko na makababawi na ako sa limang taon na nawala ako.

“Siguro kailangan ko nang tanggapin na hindi ko na siya makikita habang buhay.” Sambit ko.

“Ngayon ka pa ba susuko Shane?” Tanong ni Jed sa’kin. “Dahil lang sa konting pagkadapa natin kanina hindi ka na babangon? Dahil lang sa nasugatan ka ng konti hindi ka na lalaban pa para sa anak mo?”

Tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko dahil sa sinabi ni Jed. Tama siya. Nasaktan lang ako ng konti pero gusto ko nang sumuko. Duwag ako.

“Huwag kang mag-alala Shane. Tutulungan kitang mahanap ang anak mo.” Sambit ni Manang.

Pero hindi na ako umimik pa. Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang umiiyak. Wala akong mukhang maihaharap sa kanilang dalawa ni Jed. Napakaduwag ko.

“Manang ihahatid ka namin. Saan po kayo nakatira?” Tanong ni Jed kay Manang saka niya binuhay ang makina ng kotse para ihatid si Manang.

-HGHM-

Pagdating namin ni Jed, bumaba agad ako sa kotse niya saka ako dumeretso ng bahay para magpahinga. Magmumukmok na naman ako buong magdamag. Ganito talaga ako. Kapag nagkakaproblema ako, nagmumukmok ako. Hindi ako lumalabas.

Tinapon ko ang katawan ko sa kama saka ko niyakap ang malaking unan ko. Tatlong minuto lang ang lumipas at pumasok si Jed sa kwarto ko. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam kong umupo siya sa dulo ng kama ko.

“Shane. ‘Wag ka namang ganyan.”

“Gusto ko lang mapag-isa.”

“Pero hindi solusyun ang mapag-isa. Alam ko magmumukmok ka na naman ng ilang araw at hindi makakatulong ‘yun sa sarili at sa problema natin. Bakit hindi na lang tayo mag-isip ng gagawin natin?”

“Ano pa bang kailangan gawin natin?”

“Marami. Tumayo ka muna diyan at harapin mo ako para makapag usap tayo ng maayos.”

Lihim kong pinahiran ang mga luha ko gamit ang palad ko saka ako naupo sa kama ko at hinarapan si Jed.

“Alam kong nasasaktan ka.” Sambit niya sabay punas sa natitirang luha sa mga mata ko. “Pero andito naman ako para tulungan ka. Andito ako para alalayan ka. Kung kaya ko lang kunin at pasanin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko.”

“Hindi ko na kasi alam kung saan ulit tayo magsisimula.” Sambit ko.

“Nakalimutan mo bang matalino ang boyfriend mo?” Pagbibiro niya sa’kin saka ako tumawa ng konti.

“Kung totoo ngang hindi mo anak ‘yung batang nakita natin kanina at binalik nila kay Tita Anji ang anak mo. Ibig sabihin inalagaan ni Tita Anji ang anak mo.”

“Pero wala naman siyang sinabi sa’kin at wala akong nakitang bata na inalagaan niya.”

“Dahil siguro binigay na niya sa iba.” Sabi niya.

“Kanino naman?”

“Hindi ko alam pero ‘yun ang aalamin natin. Wala ka bang nakitang parang kakaiba sa kanya dati?” Tanong ni Jed sa’kin.

Binalikan ko ang lahat ng nangyari dati. Bumalik kami ni Tita sa inuupahan naming bahay pagkatapos naming maiburol si Benjie, pero humiwalay ako sa kanya para mabawasan ang problema niya. Nagkita kami ulit ni Tita nung nakulong siya.

“Tama! Naalala ko na!” Bulalas ko. “Nakulong si Tita nun. Tinulungan ko siyang makalabas. Pero bigla na lang niya akong pinigilan na pumasok sa bahay namin nung gabing inuwi ko siya. Baka siguro may baby sa loob ng bahay kaya di niya ako pinapasok?”

“Imposible naman na ‘yun ang rason niya dahil hindi pwedeng iwanan ang bata na walang nagbabantay. Mabuti pa puntahan na lang natin bukas ang dating bahay niyo para makapag tanong-tanong tayo.”

“Pero may trabaho ka bukas. Ako na lang ang pupunta.”

“Pwede namang sa susunod na raw na ako magtrabaho. Ang importante sa’kin ngayon matapos na ang problema natin. Gusto na ulit kitang makita na masigla at masiyahin.”

-HGHM-

Kinabukasan, bumalik kami ni Jed sa dating bahay namin ni Tita Anji. May iba na kasing nakatira ‘dun. Nagtataka lang ako kung nakuha ba ni Tita Anji ang pera na binilin ko sa kanya o hindi. Gusto ko sanang itanong sa bagong nangungupahan pero baka magalit lang sila.

Nagtanong-tanong kami sa mga kapit bahay namin hanggang sa nakumpirma namin na tama ang hinala namin ni Jed. May inalagaan si Tita Anji na baby pero nung nakulong siya, pinaalaga na muna niya sa kapitbahay namin.

“Dalawang buwan din inalagaan ni Tita si Benjie.” Sambit ko kay Jed habang nakatambay kami sa sari-sari store at umiinom ng softdrinks para magpalamig.

“Sigurado akong pinamigay na niya ang bata pagkatapos niyang makabalik. Ang problema kanino kaya niya binigay?”

Pinahiran ko ang pawis sa noo ko gamit ang panyo. Sobrang init at sobrang nakakasakit na rin sa ulo ang problema namin.

“Shane..” Bigla na lang naging seryoso ang boses ni Jed. “Hindi kaya binigay ni Tita Anji kay Uno ang bata?”

Napaisip din ako sa sinabi ni Jed. Naalala ko na nasabi ko kay Tita Anjie nun na si Uno ang ama ni Benjie at kasulukuyan akong nagtatrabaho sa kanila bilang personal assistant niya.

“Pero- babae si baby Chan. Lalaki ang anak ko.”

“Naalala mo ‘yung sinabi ni Manang na babae ang anak mo? Hindi kaya pinalabas lang ni Tita na lalaki ang anak mo?

Bigla ulit akong nabuhayan sa mga naisip ni Jed. Pero ayokong umasa masyado dahil mahirap nang masaktan ulit. Pero posible ring anak ko si baby Chan. Bigla na lang siyang lumitaw sa harap ng gate ni Uno. Sa dami-dami ng malalaking bahay sa lugar nila Uno bakit sa kanila pa?

“Ayokong umasa masyado. Pero ayoko ring hindi umasa. Nalilito ako.” Sambit ko.

“Okay lang masaktan kaya okay lang din ang umasa Shane. Because it’s all worth it pag nakuha na natin ang sagot.”

“Sa tingin mo posible kaya talagang anak ko si Chandrielle?” Tanong ko ulit kay Jed at tumango naman siya.

“So susugod na lang tayo bigla dun tapos sasabihin natin na anak ko siya? Sigurado akong gagawa ng paraan ang Mama ni Uno para makalayo ako sa kanila.”

“Kailangan muna natin ng baril at bala bago tayo susugod sa giyera. Ipapa DNA natin ng palihim si Chandrielle. Sa ngayon, ‘wag na muna nating ipasabi sa iba.”

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon