Chapter 33: Groom

32.6K 623 90
                                    

Pagkatapos naming magkita ni Queeny at ni Chandrielle, dumeretso na akong opisina para hintaying matapos si Jed sa pagtatrabaho. Magpapasama ako papuntang ospital. Sobrang nagui-guilty na ako dahil hindi na ako nakakapag trabaho ng maayos pero babawi talaga ako pag tapos na ang lahat ng 'to.

"Malapit na 'to." Sambit niya sa'kin habang nakaupo ako sa couch at naghihintay sa kanya.

"It's okay."

Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Jed ngayon na binigay ako ni Queeny ng invitation para sa kasal nila. Siguro mamaya na lang para hindi siya ma destruct sa trabaho niya.

-HGHM-

"Ilang araw po namin makukuha ang resulta?" Tanong ni Jed pagkatapos naming ibigay ang sample ni Chandrielle at sample ko.

"This will take 5-10 days. Ipapadala na lang namin sa inyo ang result kung hindi kayo makakapunta dito." 

"Hindi na po ba pwedeng i-rush?" Tanong ko dahil masyadong matagal na paghihintay ang limang araw.

"Kung ipaparush niyo, tatlong araw pa rin."

"Babalik na lang po kami after three days. Kung pwede mong mas mapabilis pakitawagan na lang po kami." Sambit ni Jed.

Habang naglalakad kami sa hallway ng ospital papunta ng parking space, iniisip ko pa rin ang invitation at ang kasal nila Queeny at Uno. Three days from now din ang kasal nila kasabay ng result ng DNA test na ginawa namin kay Chandrielle.

"Ano na naman ang iniisip mo?" Tanong niya sa'kin.

"Wala lang. Paano kung.."

"Shh!" Nilapat ni Jed ang hintuturo niya sa labi ko.

"Masyadong mabigat na ang pinagdadaanan natin. Hindi na tayo nakakapag date. Mag dinner na lang muna tayo at kalimutan na muna natin ang mga problema kahit isang oras lang. Pwede ba 'yon?" Tanong niya sa'kin.

"As you wish." I told him sabay ngiti.

Dinala ako ni Jed sa paborito naming restaurant. Tama nga siya. Matagal na kaming hindi nakakapagdate. Wala na kaming ibang inatupag kundi ang problema ko. Pati siya nadadamay. Sinunod ko ang gusto ni Jed, hindi ko inisip ang mga problema. Kinalimutan ko muna sila at si Jed lang at ako ang inisip ko.

"May ipapakita ako." Sabi ni Jed saka niya binigay ang cellphone niya sa'kin. Katatapos lang naming kumain ang sobrang busog na busog na ako. Hindi ko na nga kayang tumayo kaya mananaitli na lang muna siguro kami dito ng ilang minuto pa.

Kinuha ko naman 'yon saka ko nakita ang mga pictures naming dalawa. Mula sa seryosong mukha namin hanggang sa mga wacky pose.

"Hahahah!" Hindi ko mapigilang mapatawa. Sobrang dami na pala naming memories na dalawa.

Pagkatapos kong makita ang lahat ng pictures naming dalawa, binalik ko na rin kay Jed ang cellphone niya. Pero hindi niya inaaalis ang mga mata niya sa mukha ko.

"Bakit? May dumi ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Masaya lang ako dahil ngayon lang ulit kita nakitang tumawa ng malakas. Nakaka miss rin pala ang tawa mo."

"Haha. Dati naaasar ka sa tawa ko tapos ngayon namimiss mo na."

"Kung kaya ko lang patawanin ka ng ganyan araw-araw." Sambit niya.

"Matatapos din ang lahat ng 'to Jed." Sabi ko sa kanya saka ko hinawakan ang isang kamay niya na nakapatong sa mesa.

"Oo nga pala." Sambit ko pagkatapos kong maalala ang binigay ni Queeny sa'kin kanina. Kinuha ko ang envelope sa bag ko saka ako nagsalita ulit. "Kanina pa lumipas ang isang oras natin kaya siguro naman pwede na nating pag-usapan 'to." Binigay ko kay Jed ang envelope.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon