Chapter 14: Humble abode

36.3K 651 35
                                    

Uno's POV

There's something about Shane that I cannot explain. Hindi ko ma pinpoint kung ano ang something na iyon pero nararamdaman ko.

Napapasaya niya ako kapag magkasama kami kahit na tinatarayan niya ako. I want to know her more. Pakiramdam ko kilala ko siya bago pa man mawala ang ala-ala ko pero sabi niya hindi daw. Siguro sa nakaraang buhay ko magkakilala kami kaya ganito na lang ang pakiramdam ko sa kanya.

Nakasunod lang ako kay Shane habang hinahanap namin ang spring na pang gagalingan ng tubig kung sakaling dito kami sa site na'to magtatayo ng resort.

Ilang minuto na kaming naglalakad ni Shane nang bigla nalang nabuhol ang sintas ng sapatos ko.

"Shane saglit lang. Aayusin ko lang ang sintas ng sapatos ko."

Agad akong yumuko para ayusin ang sintas ko. Wala pang isang minuto iyon at tumayo na agad ako. Pero nagulat na lang ako ng biglang nawala si Shane sa paligid ko.

"Shane?" 

"Shane?"

Nakailang tawag ako sa pangalan ni Shane pero hindi ko na talaga siya nakita. Nong una inakala kong pinaglalaruan niya lang ako at nagtago lang sa mga puno pero hindi eh. 

Nagsimula na akong kabahan makalipas ang kalahating oras at wala pa rin si Shane. Tumatakbo na ako habang nasa puso ako ng kagubatan para lang mahanap si Shane.

"Shane? Shane!!!!"

Hanggang sa tuluyan na ngang gumabi at hindi ko pa rin nahahanap si Shane. Sinubukan kong kunin ang cellphone ko pero wala akong mahanap na signal. 

Naisipan kong bumalik sa kotse dahil baka andun siya pero knowing her personality, sigurado akong hindi na niya maalala ang daan pabalik.

Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap sa kanya hanggang sa nagbunga na nga ang pagod at hirap ko.

Bigla ko na lang niyakap si Shane sa sobrang pagkalunod ko sa emosyon. Pinaghalong takot at tuwa ang nararadaman ko. Pakiramdam ko, ang close namin ni Shane kahit na literal na close ang katawan namin sa isa't-isa.

"Mabuti pa umuwi na tayo. Gabi na. Baka delikado na dito." Sabi ko at tumango naman si Shane.

"Hindi ko ito gagawin dahil manyak ako. Pero kung gusto mo talagang sabihan ako ng manyak tatanggapin ko. Kailangan ko lang hawakan ang kamay mo dahil baka mawala ka ulit sa tabi ko. Ayokong mangyari iyon." Paliwanag ko saka ko hinawakan ang kamay niya.

Unang beses kong nahawakan ang kamay ni Shane at isang salita lang ang kaya kong ibigay para ipaliwanag ang nararamdaman ko. Weird. It felt weird. Hindi ko naramdaman ang lahat ng 'to kay Queeny pero binalewala ko na lang iyon. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kotse namin para makapagpahinga na si Shane. Basang-basa siya. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari habang nawala ako pero sa tingin ko nahulog siya don sa spring na hinahanap namin isang metro lang ang layo mula doon sa lugar na nakita ko si Shane.

"Alam mo ba ang daan pabalik?" Shane asked me.

"Hindi. Pero huwag kang mag-alala. Hahanapin natin."

Nagpatuloy pa kami ni Uno sa paglalakad ng ilang minuto.

"Pwede bang magpahinga na muna tayo? Please?"

Napatitig ako kay Shane pagkatapos kong marinig iyon. 

"Tama ba iyong narinig ko?" Tanong ko sa kanya dahil inakala kong hindi niya talaga alam ang salitang iyon. Tumango naman siya.

"Sige pero limang minuto lang .Wala na tayong oras." 

Napaupo si Shane sa bato habang ako naman nakatayo lang at nakasandal sa puno ng kahoy.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon