19th Bite

8.4K 249 34
                                    

POSTED: August 28 2012

EDITED: june 17 2014

==========================================================================

Chapter 19

Binuksan ni Lucas ang pintuan sa tabi niya para tulungan akong ilabas si Mariel sa kotse. Nanlaki ang mata ko ng biglang sumabit ang ito sa leeg ni Lucas at bakas pa din sa kanya na hinang hina na siya. She's fully awake and conscious but her personality still brings horrid feelings for me. 

“Mamatay na lahat lahat tumatalandi pa rin?” bulong ko sa sarili ko.

Inilibot ko sa paligid ang mata ko, hindi ako pamilyar sa lugar na ito dahil hindi naman ako nagagawi dito. Isa pa, nasa loob toh ng gubat. Nasa boundary kami ng tagaytay. Madilim at tanging ang ilaw lang na nanggagagling sa bahay ang nagbibigay liwanag. Yung bahay, made of wood, bungalow pero modern pa rin ang design. Salamin ang nagsilbing dingding nito na natatakpan ng makapal na kurtina. Hindi na kumatok si Lucas at dire-direcho siyang pumasok sa loob.

Agad na inihiga ni Lucas si Mariel sa malapad na sofa, kitang kita ko pa rin ang pag-agos ng dugo ni Mariel mula sa leeg hanggang sa sofa.

Nun ko lang napansin na puno na rin ng dugo ang damit ko. Maging sa kamay at leeg ko ay may dugo rin.

“Isara ang kurtina!” narinig kong sigaw mula sa likod ko. Nataranta naman ako at isinara ang pinakamalapit na binata sa tabi ko.

Agad kong hinananp ang Madonna na narinig ko at sa tingin ko ay ang may ari ng bahay na ito. Pero isang batang babae ang nakita ko…ngumiti siya sa akin bago umupo sa sofa. Ang ganda niya. Naka-puting dress siya at nakatali ang itim nitong buhok sa likod.

Ginantihan ko siya ng ngiti ngunit hindi ako makalapit. Hindi dapat kami makita ng batang ito. Masyado kaming madaming dugong maipapakita sa kanya. baka matakot siya sa amin.

 "Bata, nasaan ang mommy mo? pumasok ka na sa kwarto mo, this is off-limits for a little girl like you." sabi ko kanya

Nakatingin lang sa akin si Romanov habang si Lucas when i asked for them to help me. But then I heard her chuckled.

“Madonna” sabi niya sa akin

“HA?oo, Madonna ang name ng mommy mo, so go. go to your room now” sabi ko. 

“Teka, asan ang mommy mo?” 

Nagpalinga linga pa siya loob ng bahay pero nakapatay lahat ng ilaw sa silid tanging ilaw lang sa kinaroroonan nila ang buhay.

“tatlong libong taon na siyang patay” sagot sa akin ng bata

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon