21st Bite

7.6K 315 27
                                    

Di ko sinunod ang quota, wala naman nagvovote. 


kaya ayan, putol yan, maiksi at nakakapang reklamo sa bitin hahaha!


You like the new cover? Ganda noh! Gawa yan ni Sillylovestories na naging MissYoonie at ngayon ay Ellyvate na. Salamat sa cover! 



Magthank you kayo sa kanya, kung hindi dahil sa kanya hindi ako magpopost ng UD. 


She made me happy kaya para sakanya ang chapter na ito.


I expect votes AGAIN. 


happy reading!






Chapter 21

Olivia’s POV

Naglalakad ako sa madilim na daan patungo sa bahay ko.

Pero bago ako umalis, ng mawalan ng malay si Ira, may naramdaman ako.

Nang masulyapan ko si Ira at Lucas sa likod ng bahay…parang may mali. Parang may hindi tama. At kahit anong subok kong gawin na makita ang nararamdaman kong mali, ay hindi ko magawa. Para bang may humahadlang sa akin. Hadlang na makita ko anuman ang bagay na iyon.

At habang naglalakad ako ngayon, alam kong may matang nakamasid sa akin.

Kumalma ako, wala akong naramdaman na may mangyayaring masama sa akin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa lumitaw na siya mula sa madilim na parte ng daan.

Unti unti ay ibinungad sa akin ng munting ilaw mula sa poste ang isang may edad na lalaki.

“Anulfo” sabi ko sabay yuko bilang pagbibigay galang sa pinagmulan ng lahi ng bampira at ng mga iba pang nilalang.

Tumango siya sa akin at sandali akong sinuri gamit ang kanyang mga mata.

Si Anulfo, makisig pa rin siya kahit na tumanda na ang itsura niya. Hindi ako katulad nila, mortal ako, pero dahil sa lola ko, at sa namana kong kakayahan, nakilala ko siya.

“Nasabi mo na pala sa aking anak ang katotohanan” bungad niya. Walang bahid ng galit o inis sa mga katagang iyon.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon