13th Bite (edited version)

9K 236 13
                                    

POSTED: JUNE 18 2012

EDITED: MARCH 29 2014

=========================================================================

Chapter 13

Romanov’s POV 

Nagngingitngit ako sa inis habang pinapanuod ang dalwang taong iyon sa ilalim ng puno. I should be in that position. Ako dapat ang naroroon, kaya lang, naunahan na naman ako.

 Gusto ko siyang angkinin, ariin. Pero hanggat nasa landas ko si Lucas, hindi iyon matutupad. Kailangan ko siya. Kailangan ko si Ira. She's the epitome of air, i badly needed.

Hindi ko man maipaliwanag kung bakit, pero alam kong may sapat na dahilan ang tadhana kung bakit ninanais ko siyang ariin.

I feel powerless without her. Tuwing malalapit ako sa kanya, lumalakas ang ako. Literally. I feel powerful with her. Energy inside me suddenly rush through my vein up to my mind. 

Nang gabing iyon, nang matapunan niya ako ng juice, naramdaman ko na….that I need her. I want her….mine.

Pero dahil sa nasa ilalim ako ng pagsusuri, hindi ako makagalaw ng malaya. Palaging nakabuntot sakin ang dati kong matalik na kaibigan, ang inutusa ni Madonna.

Palagi na akong mali sa amin. Hindi ko naman hangad ang mapasama, gusto ko lang makita nila kung anong tama sa mga pinaglalaban ko. Hindi nila maramdaman kung gaano ako lumakas at nabuhay ng sandaling pumatak ang katiting na pulang likido ng taong...minamahal ko.

Nakakalungkot ang nakaraan ko, pero nangibabaw sa akin ang naramdaman kong contentment. Kabusugan sa uhaw na pinagtitiisan ng kapwa ko….bampira. Sinakop ng bagong paniniwala ko ang isip ko, kahit na namulat ako sa tradisyon at palatuntunan ng aming grupo, nagawa kong magbagong isip. 

Hindi ko sinasadya, kaya hindi ko masasabing napakasama ko. Pero siguro nga, halimaw na rin ako…

Humakbang ako papalit kina Ira at Lucas na patuloy pa rin sa paglalambingan. Napapikit ako sandali nang maramdaman ko ang pamilyar na pagkrot sa dibdib ko.

 Ganitong ganito din iyon ng gabing nagbago ang lahat sa akin…

Mahal na mahal kita Celina, kaya please, lumayo ka na!!” pawis na pawis ako habang pilit na inilalayo ang sarili ko sa babaeng pinakamamahal ko.

 

Nakita ko ang luha niyang patuloy sa pagdaloy sa pisngi niya. Nsasaktan ko siya. Na naman. Palagi na lamang. Hindi ko nakukumpleto ang isang araw na kasama siya na hindi ako nagbibigay ng sakit o maging dahilan ng kalungkutan niya...maging ang pagluha niya.

 

 

Sinasaktan ko siya sa mga kasinungalingan ko.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon