15th Bite (edited version)

8.6K 285 43
                                    

POSTED: JULY 07 2012

EDITED: APRIL 06 2014

=============================================================================

Chapter 15

 

Lucas’ POV

I never imagined myself in this state. Strolling around freely. Walang iniisip na kahit ano. Sa kanya ko lang yun nararamdaman, kay Ira lang. Nung dati, kay Celina, ang namayapang girlfriend ni Romanov. 

 Kumirot ang dibdib ko ng maalala ko ang mga iniwang alaala niya sa kin. Hanggang ngAyon hindi ko matanggap ang sinapit niya. Kung sana, hindi ko na lang sila pinabayaan. Kung sana naging mahigpit lang ako noon.

 “It’s not so nice to meet you here….Mariel”

 Pinagmasdan ko silang dalawa habang nakupo ako. Nagsusukatan sila pareho ng tingin. Parehong naka-taas ang kilay nila at naglalaman ng insulto ang mga mata nila. Nagbabatuhan sila masasamang salita sa mga isip nila. Napailing na lang ako….mga babae talaga.

“Why so mean my dear? We’re having a party, wag kang ngang spoiler” sumandal siya at dun pa lang niya yata napansin ang presensiya ko.

 Bakas ang inis sa muka niya ng makitang dumikit sa akin si Ira dahil mgkatabi ang upuan namin.

“magkasama pala kayo?” tanong niya na may tonong naiinis

“Oo” sagot ko dahil sa akin siya nakatingin.

Ngumiti siya saka tumingin sa relo niya. “bilang na pala ang oras mo Ira. So, dapat pala maging mabait na ako sayo” sabi niya sabay tawa na parang baliw

Para saan ang sinabi ng babaeng yon? Mukang iisa ang tanong namin ni Ira sa isip dahil nkakunot din ang noo niya.

 “Bruha talaga” sabi niya saka lagok sa margarita niya

 Napalingon ako sa kinaroroonan ni Mariel. May hindi tama sa gabing ito. Ramdam na ramdam ko ang presensiya ng isang bampira sa paligid, hindi lang isa kundi marami. Sakto naman na nakatingin din siya sa akin ng matagpuan siya ng tingin ko. Binigyan lang niya ako ng ngiting nangaasar.

Naramdaman ko na nagvavibrate ang wrist watch ko. Ginawa ito talaga para sa amin para ipaalala kung kelan ang susunod naming intake ng serum. Hindi pwedeng maligtaan ang kahit isang schedule namin doon. Hindi maari, dahil doon nakasalalay ang katahimikan ng balanse ng tao at bampira.

Napasimangot ako ng mapagtanto ko ang ibig sabihin ni Mariel kanina. May hindi maganda akong naramdaman sa mga binitawan niyang salita. Malaman ito at alam kong mapanganib a isa itong banta.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon