29th bite

4.9K 141 14
                                    

Chapter 29

(Special Chapter)

A very clever reader suggested na gawin ko ang POV ni GREGORY. Very clever hahaha! Expected ko, si Anulfo ang bet niyo. So dahil natuwa ako, i'm going to give you a little background with Gregory :) enjooooooy!

Kaya kayo, magbasa kayo ng author's note. Thank that reader dahil di ako maguupdate kung di siya nagsuggest. -.-

I'll reveal ANOTHER SECRET here. At nagdecide ako na gawin na lang siyang hanggang 30 o 40 chapters? Tutal may plot na ang book two.

I'm so busy so expect longeeeeer updates. Mahirap talaga -.- i dont even know how to manage my time sa araw araw. Sabaw na sabaw na utak ko. -.-

GREGORY's POV

Casted from heaven...abandoned my angels...for this.

Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang buwan mula sa maliit na bintana na hinaharangan ng rehas na bakal.

Naamoy ko ang malagkit at malansang dugo na nakakapakit sa balat ko...halos sa kabuuan ng aking katawan.

Isa akong halimaw...naging halimaw...pero ako ang pumili nito.

Sino nga bang sisisihin ko?

FLASHBACK

Nanghihina kong itinuon ang aking palad sa mabuhangin na lugar para makatayo.

Itinapon ako mula sa langit.

Alam kong nagkabali bali ang buto ko at marami akong natamong sugar bago pa ako itapon.

Napansin ko ang umaagos na pulang likido mula sa akin. Mortal na ako.

Bahagya akong nakaramdam ng kasiyahan ngunit agad itong napalitan ng kalungkutan.

"Naging mortal ako ngunit mamatay rin"

"Bakit? Gusto mo pa bang mabuhay?"

Nagitla ako sa biglang pagsulpot ng malalim na tinig na iyon. Pinilit kong ipihit ang aking ulo para makita ang taong nakaluhod at nakangiti sa akin.

"Hindi ka tao..." Bulong ko halos labasan na ako ng dugo sa bibig dahil nahihirapan akong huminga at. Durog ang ribs ko.

"Gusto mo pa bang mabuhay?" Paguulit niya sa tanong niya na parang kapag humindi ako ay papabayaan na lang niya akong tuyuin sa dugo.

Naisip ko ang dahilan kung bakit ako itinapon sa lupa. Kung bakit ko ipinagpalit ang pagiging anghel ko para maging tao.

Ayokong masayang...ang pagkakataong makasama SIYA.

"O-oo. Gusto ko pang mabuhay" sagot ko

Ngumiti siya sa akin bago ako buhatin ang ikandong ang ulo ko sa binti niya. Pakiramdam ko babawian na ako ng buhay dahil naramdaman ko ang mga durog na buto sa loob ko na tumusok sa kung saan mang parte ng laman loob ko.

"Matatagalan tayo at masakit dahil halos durog na ang lahat sayo pero tiisin mo" sabi niya sakin

May makinang na bagay akong nakita na ipinanghiwa niya sa kanyang palad.

Itinapat niya sa akin iyon habang parang ilog ang agos ng dugo.

"Inumin mo. Marami kung kaya mo" utos niya ba agad kong ginawa.

Diyos ko, patawarin mo ako. NAGMAMAHAL LANG AKO.

Tiniis at pinilit kong sipsipin ang dugo niya. Hindi ito malansa at mapait. Para lamang itong tubig na nagaalis ng uhaw ko.

Hinayaan niya akong humiga. Pakiramdam ko lumulutang ako pero ganun pa din ang sakit. Nandito pa din. Pakiramdam ko kailangan kong magpahinga.

Ipinikit ko ang talukap ko. At unti unti, nararamdamN ko ang mga buto kong nagkandadurog durog na mabuo ulit. Masakit, dahil literal na inaayos ang laman loob ko habang nasa wisyo ako pero hindi ako nakakakilos. Kahit pawisan na ako at nanginginig, hindi ko makagalaw, parang relax ang katawan ko pero parang pinapatay Ako sa loob.

Kinakapos na ako ng hininga, parang may nagliliyab sa kaloob looban ko. Ang sulok ng mga mata ko au humapdi at nagdilim na lamang ang lahat...

Nagising ako na nasa isang malambit na higaan. Bumangon ako, wala na ang mga sugat ko at maayos na maayos na ang pakitamdam ko. Parang walang nangyari.

Nilibot ko ang kwarto, marangya ang pagkakagawa base na rinsa mga dekorasyon.

"Gising ka na pala, hindi ko akalain na magiging ganoon katagal ang transpormasyon mo" sabi ng lalaking ibinungad ng pintuan.

Naalala ko ang nangyari sa akin.

"Anong ginawa mo? At ano ang ibig mong sabihing transpormasyon?" Naguguluhan kong tanong

Ngumiti siya, ipinatong ang dalang kakanin sa mesita di kalayuan kung nasaan ako.

" ikaw ang kauna unahan bilang aking salinlahi. Kaya magmula ngayon, kaakibat mo na ako. Tayong dalawa" sagot niya na hindi ko pa rin maintindihan.

Matagal na akong imortal, at hindi ko na gustong maging imortal.

"Ako si Anulfo, isa kang anghel hindi ba?"

Dapat makakaramdam ako ng kakaibang takot dahil sa sinabi niya pero iba ang sinasabi ng mga ngiti niya...at bilang anghel, ang ngiting iyon ay isang simula ng pagkakaibigan.

Part 1 of the special chapter.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon