29.2th BITE

4K 121 1
                                    

Happy New Year!

Baka sa kalagitnaan ng taon pa maging consistent an updates ko sa lahat ng stories ko. I'm so sorry, busy lang talaga buhay ko J

Chapter 30 na talaga ginagawa ko ngayon eh, I was ging to post the other half of the special chap kaso nabura ko at wala palang undo dun sa app ko. Sa phone lang kasi ako nagsesave ng drafts. Pero good thing pala yun, mas maganda yata yung ngayon? Mehehe. Balak ko (at sa magawa ko) na mag=update sa lahat ng story ko.

Wag kayo magsawang magpasensiya sakin haha. Naiintindihan  ko kung mejo bad vibes na kayo sakin :*

By the way, support my bebe Crunchh's My Casanova Husband Book ha! Congrats bebe! Malayo na ang narrating and you'll probably be going way too far pa in the future! I love youuuu!

Chater 29.2 (Special Chapter)

Hindi ako binigo ng hinala ko.

Naging magkaibigan kami ni Anulfo—ang nagiisang bampira at kalahating Diyos. Hindi siya galing sa langit, hindi siya galing sa impyerno. Bunga lamang siya ng hindi pa naipapaliwanag na paraan ng pagbuo ng mundo. Kalahating langit at kalahating impyerno ang bumu-bumuo sa pagkatao niya.

Ako ag unang salinlahi ni Anulfo, bagaman nagtataka ako kung bakit sa tinagal tagal ng panahon ay wala siyang naging salinlahi ay hindi ko na lamang inusisa.

Hindi siya ganoon kabuti, hindi rin sya ganoon kasama. Makasarili—kung ibibigay ko ang deskripsyon niya. Wala siyang pakialam sa paligid niya, tutulong siya kapag may makukuha siyang kapalit.

Isinama niya ako sa paglalakbay niya. Inabot kami ng ilang siglo pero ni minsan ay hindi niya nabanggit sa akin kung ano nga ba ang  hinahanap namin—niya.

Hanggang sa mapatigil kami sa isang liblib at maliit na bayan para kumain –maghanap ng sariwang dugo mula sa mga hayop. Hindi gusto ni Anulfo ng dugo tao, hindi dahil sa ayaw niya. Hindi niya lang gusto na magkaroon ng isa pang katulad niya. Sapat nadaw ako na kaakibat niya.

Doon ko napagtanto kung ano--sino ang hinahanap niya.

Binungaran niya kami ng napakatamisna ngiti. Pagkasimpleng simple ng aura niya pero halos tangayin ako ng atraksyon. Nakaputing bestida ito at naka-ipit ang buhok sa isang gilid.

"Mahal ko, ilang siglo kitang hinanap. Sa wakas! Maari ko na bang malaman kung balance na nga ba ang lahat?"

Tipid na ngumiti ito kay Anulfo at sumulyap sa akin.

"Anghel, Nakita mo na ba ang hinahanap mo?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko.

"Anong hinahanap? Oo, Nandito ka na, natagpuan ka na ni Anulfo" sagot ko pero hindi niya ako tinugunan sa halip ay humakbang palapit sa akin.

"Ako si Lucille" pagpapakilala niya.

"Ako si Gregory" sabay abot sa nakalahad nitong palad.

Ilang linggo ang dumaan at saka ko lamang nalaman na immortal din si Lucille. Siya ang una at huling salinlahi ni Nemesis, ang taga-balanse at tagapag-tanggol. Namangha ako kaya hindi ko siya tinigilan hangga't hindi niya sinasabi skain kung paano niyang nalaman na hindi balanse ang damdamin ko ngayon at sa hinaharap.

"Greg, malalaman mo ang kasagutan kapag nahanap mo na ang isa pang katanungan"

Iyon lagi ang isinasagot niya sa akin, isang bugtong.

"Ano ba kasi ang dahilan at nahulog ka mula sa langit?" pang-aasik sa akin ni Anulfo ng mabigo akong humigalap ng sagot sa kanyang nobya.

Naisip ko na lang bigla ang bagay na iyon. Ilang siglo siyang nawala sa isip ko. Bakit ko nga ba nkalimutan?

Nanlumo akong bigla. Malamang ay wala na siya, hindi ko siya kailanman makikita at hindi na matutupad ang hiling kong mahawakan ang kamay niya.

"babae?" may nakakalokong ngiti si anulfo ng banggitin iyon.

Wala tulo akong lusot kaya napakwento ako tungkol sa babaeng sinusulyapan ko mula sa langit ditto sa lupa. Ang babaeng sandali kong nabantayan…si Selina.

May part 3 pa, post ko ulit after ilang minutes mehehe ayokong ituloy eh mas maganda yata kapag nasa separate chapter haha :D

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon