33

1.9K 106 3
                                    

Elizabeth...

Kahit pa ilang taon ang lumipas, kahit na sino pa ang humadlang kung kayo para sa isa't isa gagawa at gagawa ng paraan ang universe para magkasama padin kayo sa huli.

Sino nga ba ang magaakala na sa pagluwas ko sa Maynila ay makikilala ko ang taong bubuo sa pagkatao ko? Ang taong gugustuhin kong makasama hanggang sa pareho na kaming nakaupo sa tumba-tumba habang pinanunuod ang aming mga apo na naglalaro.

Walang salita ang kayang magdescribe sa sayang nararamdaman ko ngayon, sa kabila ng mga nangyari kami padin pala ang nakatakda para sa araw na ito.

"Mary..." naputol ang pagiisip ko ng magsalita si tita, nilingon ko sya at bumungad sa akin ang nakangiti nyang mukha.

"po tita?" nakangiti ko din syang hinarap. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at nakita ko na maiiyak na sya.

"masaya ako para sayo El. Alam ko na pinagdasal mo ang araw na ito at masaya ako na sa isang katulad ni Charles ang mapapangasawa mo." puno ng sinseridad na sabi ni tita kaya yinakap ko sya ng mahigpit.

"salamat po tita, salamat po sa lahat lahat." sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang magandang salita ang pwede kong sabihin para maiparating sakanya ang pasasalamat ko.

Narinig ko pa na medyo humihikbi si tita na syang naabutan nila kuya Ome at ate Cora.

"nakuu ang mga make up!!!" biglang tili ni kuya ome kaya napahiwalay kami ng yakap ni tita saka nagpahid ng luha, natawa naman si ate cora.

"OA! Waterproof ginamit na make up bakla!" nagpeace sign lang sya.

"kailangan na natin umalis, at baka mainip ang groom mo sya pa mismo ang sumundo sayo." natatawang sabi pa nya, natawa na din ako sa sinabi nya.

Nito kasing mga nakaraang buwan habang inaasikaso namin ang kasal hatid sundo ako ni Ivan, ayaw nya na lalabas ako ng bahay ng di sya ang susundo sakin at maghahatid kung saan man ako pupunta. Ilang beses din tuloy syang napagalitan ni Kuya Aren. Pero di nya pinapansin dahil ginagawa naman daw nya trabaho nya, pasaway talaga.

Inalalayan na nila ako sa pagbaba hanggang sa pagsakay ng sasakyan. Si lola tsaka si tita ang kasama ko sa sasakyan, si kuya naman ang maghahatid sakin mamaya sa altar.

Habang palapit kami sa simbahan ay tila nadadagdagan din ang kabang nararamdaman ko, napahawak tuloy ako kay lola at tita na parehong napatingin sa akin.

"paano po kung madapa ako mamaya? o kung magkamali ako ng sasabihin? Kinakabahan po ako." napailing pa silang dalawa saakin saka si lola ang sumagot.

"kung mangyari man yang mga sinasabi mo, sa tingin mo ba mapipigilan nyan na pakasalan ka ng mapapangasawa mo? Mahal na mahal ka nun." nakangiti nyang saad, naalala ko tuloy yung mga kwento nila kung pano humingi ng tawad sakanila si Ivan, kung pano nya niligawan bawat isang kamag anak ko sa Palawan para mapa-oo sa pagpapakasal ko sakanya. Napangiti na din ako.

Andito na kami sa labas ng simbahan pero di pa bumaba sa sasakyan, ako nalang mag-isa dito dahil nauna sa loob sila tita nakikita ko dito na naguumpisa ng pumasok ang mga abay. Kumatok ang wedding coordinator sa bintana ng sasakyan saka ako pinagbuksan ng pinto.

"halika na ma'am, hinihintay kana po nila." parang maiiyak na ngumiti ako sakanya. Inalalayan nila ako makababa, medyo mabigat din kasi itong suot ko.

Pagkababa ko ay isinara nila uli yung pinto saka ako pinapwesto, paghudyat ng coordinator ay bumukas ito ulit.

Nagumpisa na akong maglakad, lahat ng taong nandito ay mga nakangiti. Lahat ay alam kong masaya na sa wakas ay umabot na kami sa araw na ito ni Ivan.

Hindi mabura bura ang ngiti sa mga labi ko, hindi ko maramdaman ang aking sarili pakiramdam ko ay nakalutang ako sa mga ulap sa sobrang sayang nararamdaman. Naglakad ako magisa hanggang sa umabot ako kung nasan si kuya, nakangiti din sya ng malapad pero panay ang punas sakanyang mga mata, madamdamin nya akong hinalikan sa noo.

"mahal kita bunso, kahit na anong mangyari andito si kuya para sayo." tumango ako sakanya saka yumakap.

"love you too kuya." paghiwalay namin ng yakap ay nagangat ako ng tingin sa altar.

Doo'y natahimik ang buong paligid, at parang ang nakikita ko lang ay ang lalaking pinakamamahal ko na naghihintay sa akin sa dulo. Napakagwapo nya ngayon, ang ganda ng pagkakangiti nya kahit na panay din ang punas nya ng kanyang mga mata. Nginitian ko sya ng matamis ng magtagpo ang aming mga mata.

Nagumpisa na ding tumugtog ang pangalawang kantang pinili namin para sa araw na ito. Deretso lang tingin ko sa altar, katulad ng paghihintay nya sa akin sa nakalipas na tatlong taon buong tyaga nya nanaman akong hinihintay ngayon ang pinagkaiba lang ay wala pang kasiguraduhan noon, samantalang ngayon ay malinaw pa sa malinaw na kaming dalawa ang magsasama hanggang sa huli... At sabay naming ipaglalaban yun sa mga araw na darating.

-

Ayieeee!

❤️

Fate - COMPLETEDWhere stories live. Discover now