17

1.7K 109 25
                                    

Elizabeth...

Masama ang pakiramdam ko ngayong araw pero pumasok padin ako dahil madaming deadlines sa opisina at may exams kami ngayon di pwede umabsent. Kasama ko ngayon si Keila kinukwento ko kasi sakanya yung nangyari samin ni Ivan pati yung mga sinabi nya nakikinig naman sya pero wala ding kibo, tinatanong ko kung okay lang ba sya puro tango lang naman ang sagot nya kaya hinahayaan ko nalang dahil baka iniisip padin nya yung problema kay Mark.

Papunta kami sa canteen para bumili ng snacks ng makita namin na madaming nagkukumpulan doon sa usual spot ng football team. Di nalang namin pinansin dahil sanay na kami sa ganun, ngunit di ko mapigilang kabahan, andyan kasi sigurado si Ivan. Kung ano ano kasi ang sinasabi eh, maguusap nga pala kami mamaya sana lang ay di na lumala tong sama ng pakiramdam ko.

Palabas na kami ng marinig ko yung usapan ng isang grupo.

"grabe girl, they are so bagay talaga. She is so pretty mukha syang barbie and Charles is so gwapo."

"true girl, did you see how Charles make alalay her nung uupo na sila kanina. Gosshhh nakakakilig!"

Di ko mapigilang mapalingon sa mga sinasabi nila, si Charles? Si Ivan ba ang tinutukoy nila? Nagulat ako ng hilain ako ni Keila papunta doon sa table ng football team.

" kei, bakit?" di sya sumasagot.

Hinawi pa nya ang mga tao para makasingit kami.

"excuse po, padaan kami." tumabi naman sila nung makita na sya yung nageexcuse.

"kei, ano bang meron?" tanong ko nanaman pero tinignan lang nya ko.

Nang makalapit kami andun nga ang football team at kumpleto sila, agad kong hinanap kung nasan si Ivan di naman ako nahirapang makita sya pero biglang may kumirot sa puso ko ng makita ko sya.

May katabi syang magandang... ay hindi napakagandang babae, di sya parang barbie para syang anghel. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ni Ivan at magkaholding hands sila, sinusubuan pa nya ng fries yung babae habang maganda ang ngiti na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.

"Hi guys!" nahinto ang pagtitig ko sakanila ng magsalita si Keila, naagaw din nya ang atensyon ng team.

"Keila!"

"Hi Mary Eli!" bati nila.

Parang nagulat na nagangat ng tingin si Ivan sa amin at nagtagpo ang mga mata namin napansin ko na nabitawan nya pa ang kamay nung babae, di ko mabasa kung anong sinasabi ng mga mata nya, una din akong nagiwas ng tingin dahil parang may pinong kirot sa dibdib ko.

"so... you're back Angel!" napabaling ako ulit ng tingin kay Keila. Tinawag nyang angel yung babae, bagay sakanya ang pangalan nya. Ngumiti naman ng matamis yung babae, tumango bago tumingin kay Ivan.

"Hi Keila. yep, namiss ko kasi si Charlieee ko eh." malambing na sabi nya at hinawakan ulit ang kamay nito, nginitian naman sya ni Ivan. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Keila sa kamay ko. Di na ako mapakali sa kinatatayuan ko, parang napaka awkward kasi. Ramdam ko ang titig ng mga kaibigan nila na di ko naman alam kung bakit. Lumapit sakin si Mark.

"Eli, namumutla ka? Are you sick?" tanong nya na hinawakan pa ako sa noo.

"di, okay lang ako. hehehe." ngumiti pa ako para effective ang pagdedeny ko pero pinakatitigan nya ko.

"upo na kayo, sabay na kayo kumain samin treat ni Captain. Oh by the way! Angel, this is Mary Elizabeth our new friend. Mary Eli si Angel childhood sweetheart/kaM.U ni Captain." derederetsong sabi ni Brian.

"hi Angel!"

"hello Eli, nice to meet you!" nakipagshake hands pa sya sakin parang nahiya pa ako dahil ang lambot ng kamay nya kumpara sakin na puro kalyo.

Fate - COMPLETEDWhere stories live. Discover now