29

1.9K 102 17
                                    

Elizabeth...

3 years later...

"pag talaga hindi ka umattend i'm telling you girl. Di na talaga kita kakausapin ever!" natatawa ako sa pag mamaktol ni Keila.

Kausap ko sya ngayon sa Skype at pinagpapromise ako na aattend sa reunion na inoorganize nya. Nag-oo naman na ako sakanya pero eto sya at kinukulit pa din ako.

"kei, nagpromise na ko. I will go. As a matter of fact nagpaalam na ako sa boss ko and naapprove na din naman. So stop na okay?" natatawa na medyo naiinis din ako sa tuwing mangungulit sya ng ganyan. Lumapad naman ang pagkakangiti nya saka nagpaalam na dahil may gagawin pa daw sya. Nangulit lang talaga.

First time kong uuwi sa Pilipinas after 3years ko dito sa London. Madami na ding nagbago, nakatapos na ko sa pagaaral at nakapag trabaho na sa isang sikat na PR firm dito. Everything is smoothly taking place pero syempre namimiss ko pa din ang Pilipinas.

Sinara ko na yung laptop ko saka lumabas ng kwarto, nakita ko pa yung pinsan ko na nagliligpit sa sala. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng makakain.

"cuz, kailangan mo pa ba tong phone na to or pwede ko ng itapon?" naagaw nya ang atensyon ko ng sumigaw sya, agad ko syang pinuntahan para makita kung ano yung tinutukoy nya.

May hawak syang lumang cellphone na agad ko namang nakilala. Akala ko nawala ko na to, sobrang devastated ko pa nung di ko to makita noon.

"ay, akin na yan cuz, kailangan kopa yan." agad ko itong hinablot sa kanya na ikinakunot ng noo nya.

Di ko na tinuloy ang pagkain at dumeretso na ako sa kwarto para kalikutin tong cellphone. Kagad kong sinaksak para icharge, buti gumagana pa. Ng mabuksan ko iyon agad kong kinalikot ang laman at nakita ko sa gallery na may nagiisang video doon na nakasave. Plinay ko ito kaagad.

Nakangiting mukha ni Ivan ang unang bumungad sa akin, pero ito yung ngiti nya na di umaabot sa mata.

Ehemmm. Hi El! If you are watching this it means wala ka na sa tabi ko. Baka sa mga oras na to galit na galit ka pa din sa kin or worst baka nakalimutan mo nako.

"Naalala mo ba nung una tayong magkita? Nung nabunggo kita, right at that moment natuwa na ako sa yo coz you have this weird but cute expression on your face nung mga oras na yun. Pero di ko lang pinansin nung time na yun kasi di ko naman alam na magkikita pa tayo ulit eh." ang ganda ng pagkakangiti nya sa part na to, hindi ko din tuloy maiwasang mapangiti din.

"But we met again, sa school nabunggo nanaman kita hahaha , then you were introduced to us by Keila, then we became friends, then I admitted my feelings for you. Well, not totally admitted kasi ang sabi ko lang naman is I like you, but it was an understatement of what I was truly feeling back then." unti unti ng nagbabago at mas nagiging seryoso ang expression ng mukha nya, panay nadin ang pag lunok nya.

"I was intending to make things straight with Angel that day, gusto ko ng sabihin na ikaw na ang gusto ko, na ikaw na ang mahal ko. And I did, sinabi ko sakanya lahat ng nararamdaman ko for you, she was crying the whole time but she said she undertands. Pero she asked for a favor, a big one. She begged me to stay with her until the end, she has leukemia and the doctors have already told her that she only have a few remaining months to live. " umiiyak na sya pero patuloy padin syang nagsasalita, ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibitawan nya. nabigla ako sa mga narinig ko.

I immediately sent a message to Keila bago ipagpatuloy ang pinanunuod ko.

"she begged me to stay, I was reluctant at first pero nung makita ko mismo kung anong hirap na pinagdadaanan nya sa sakit nyang yun I finally agreed. Ayoko sana dahil alam kong masasaktan kita kung sakali, but it was dying wish from a friend and I cant be selfish enough to say no. I'm sorry."

"i was not able to tell you this personally and just chose to write you letter simply because I cannot do it. Di ko kakayanin na makita kang nasasaktan, sorry for being so coward. Sorry for not telling you earlier, sorry for causing you all those pain and tears. And sorry for being selfish to still want you back in my life." di ko namamalyang pumapatak na ang mga luha ko.

"El, i hope I have already given you enough time to think and be with yourself. I hope by this time di pa ako huli. Na sana pwede ko pang patunayan ang mga pangako ko sayo noon. I love you El. It was not just like, I love you." and as he said this nareceive ko ang reply ni Kei sa text ko.

Oo girl, she past away a few months after you left. I sent you a message then db? Pero busy ka ata nun kaya baka di mo nabasa. How did you know by the way? Di ko na sya nareplyan dahil lalu na akong naiyak ng marinig ang huling part ng video ni Ivan.

"please come back to me El. I miss you. I love you."

Isang oras ko ding pinakalma ang sarili ko bago nagayos at lumabas ng kwarto, nagulat pa ang pinsan ko ng makita akong bihis.

"oh where are you going?" i just told her na may importante akong pupuntahan.

Nagpapaldali akong nagdrive papuntang office kailangan kong maabutan ang boss ko, pagkadating ko pinasuyo ko nalang sa guard ang pagaayos ng parking ko saka nagmamadali ng sumakay sa elevator.

"good afternoon Mr Cowell." hinihingal pa na sabi ko sakanya ng papasukin na ako ng secretary nya.

"Elizabeth? What brings you here? It's your rest day right?" nakakunot noong tanong nya.

"ahmm sir remember the offer you told me about the other day? The one about you assigning me to lead our PR team in the Philippines? I am taking it sir." nakita ko ang pag aliwalas ng mukha nya, pero andun pa din ang pagtataka.

"why so sudden? I thought you're happy here and you have no plans yet of returning there for good? You even just asked for a week leave of absence so you can attend your college reunion right? So why the sudden change of mind?" tinignan ko sya ng deretso sa mata saka sumagot.

"i found and realized a great reason to go back home sir." mukhang nagets naman nya na ayoko ng ielaborate pa ang dahilan ko kaya tumango tango nalang sya saka ngumiti.

"alright, you're lucky. I have not  thought of anyone to offer that position yet." para akong nabunutan ng tinik sa dibdib naisip ko kasi kanina na baka naioffer na nya sa iba yung posisyon edi nganga na ako.

"thank you so much sir." hinawakan ko pa ang dalawa nyang kamay agad ko din namang binitawan ng marealize ko yung ginagawa ko. Nakakahiya!

"you're that happy ah? I'll just tell Mira to settle everything and you can talk to her tomorrow to finalize things." sunod sunod na tango naman ang sinagot ko sakanya.

"thank you sir, good day." nakangiti lang din nya akong tinanguan saka malapad ang ngiti na lumabas na ng opisina nya.

Buti nalang talaga. Masayang masaya akong nagdrive pauwi.

Wait for me Ivan. I'm coming back for you and i'm staying in your life for good.

-

Surprise maaga ako nagupdate!
Yieeeehhhhhhh wala lang. Hahaha.

Love. Love. Love.

❤️

Fate - COMPLETEDWhere stories live. Discover now