26

1.7K 100 28
                                    

Charles...

Unti unti ng bumabalik sa dati ang buhay, nagkausap na kami ng team at nasabi ko na sakanila ang side ko, katakot takot na mura ang narinig ko lalo na mula kay Mark pero atleast naging malinaw na ang lahat sakanila.

Naguusap na din kami ulit ni kuya, pero kung kailangan lang, di na din namin naungkat yung nangyari nung mga nakaraang araw.

Nagreready ako ngayon dito sa kwarto, ngayon kasi ang alis namin papuntang Palawan. Una para dun sa project ko pangalawa para icelebrate ang birthday ni Ate. Private plane nila Mark ang gagamitin.

"Charles halika na, malalate na tayo iho!" tawag sakin ni mommy mula sa baba kaya nagmadali nakong lumabas, ayaw na ayaw pa naman nun ang nalalate.

Pagkababa ko andun na silang lahat, ako nalang pala ang hinihintay.

"what took you so long? Tinalo mopa ko." nakasimangot na sabi ni ate nginisihan ko nalang sya. Nag grab lang kami papunta sa airport dun na din kami magkikita kita magkakaibigan.

Pagdating namin ay andun na nga sila, kaagad kong nilapitan si Angel.

"hi, buti makakasama ka." matamis naman syang ngumiti sa akin. "syempre naman, kailangan ko din to." agad kong kinuha ang dala nyang gamit, nakita ko naman ang pagismid ni Keila na umirap pa ng makitang nakatingin ako sakanya, napailing nalang ako.

Pumasok na kami sa eroplano, nagiingay na ang team at puro plano kung anong gagawin nila doon.

"bahala si Charles magpakadalubhasa basta tayo pupunta doon para magenjoy. Hahahaha thank you ate Anika!" natatawang pangaalaska ni Mark, tumawa lang din si ate pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

"ahh tita, san nga po pala tayo sa Palawan pupunta?" narinig kong tanong ni Keila kay mommy.

"Keila! Sumasama ka ng di mo alam kung saan pupunta?" malakas na sabi naman ni Mark na nakatanggap ng katakot takot na tampal mula dito, "napaka OA mo!" napahalakhak lang naman ang mga kasama namin sakanila. Maski ako napangiti, atleast okay na sila.

"sa Coron tayo iha, doon daw kasi ang resort na bibisitahin ni Charles." sagot ni mommy, napatingin naman si Kei sakin saka napabaling kay Mark na nagkibit balikat lang.

May mga inaayos nalang kaya di pa kami lumilipad, nagkakagulo padin at maiingay na panay asaran. Natahimik lang bigla ng malakas na nagsalita si Keila, may kausap pala sa phone.

"What?! Hoy babae hinatyin mo ako! Subukan mo lang talaga! Ifriefriendship over talaga kita!" walang pakialam na sabi nya sa kausap. Sinita naman sya ni Mark na katabi lang nya.

"ayyy hehe sorrreh po, nacarried away lang." nakangiting alanganin sya sa amin saka bumaling ulit sa kausap.

"ay ganun? Akala ko kasi ngayon na eh, sorry naman alam mo namang OA ako eh hihihi.… oh wait. Kuya aren?" tawag nya kay kuya na tinignan sya ng nagtatanong. "mag Hi ka kuya!" sabi nya dito, kinunutan naman sya nito ng noo.

"sige na magHi ka kuya, sige ka kuya magsisisi ka pag di moko sinunod." nakangising sabi nya saka lumapit pa kay kuya para mailapit dito ang phone nya, kaya napipilitang nagsalita na si kuya. Sino ba kasi yung kausap nya?

"hello?" alanganing sabi ni kuya, nakuha na nila ang atensyon ng lahat. Naghihintay sa kung anong susunod na ipapagawa ni Kei sakanya, pero huminto ata ang pag tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng kausap ni Keila sa cellphone.

"hahahah baliw ka talaga Keila! Hi Aren! Kumusta?" si Eli. Para namang nabuhayan ang team ng marinig ang boses nito.

"Eli?!"
"Mary Eli?!"
"Elizabeth!"

Sabay sabay pa nilang tawag dito, na ikinatawa nito sa kabilang linya.

"nakaloud speaker? Baliw ka kei! Hi mga pogi! Hahhahaha." ngumisi naman si Keila saka bumalik na ulit sa upuan.

"oh ayan, madaming nakamiss sayo kaya magpakita ka ah? Subukan mong magtago Mary Elizabeth aba ipapasisid ko kay Mark kahit ang karagatan ng Coron makita ka lang." natatawang baling pa nya kay Mark na nakangiti din ng malapad.

Nag-announce na ang pilot na aalis na kami kaya nagpaalam na ito.

"promise yan ah? Sige, see you. Labyah girl!" binaba na nya ang tawag.

"how is she?" narinig kong tanong ni Mark, nakita kong sumulyap pa si Kei sa pwesto ko bago sumagot.

"she's getting there Mark. Di naman nagdedeny yun, pag di sya okay aamin yun at so far okay naman sya sa tuwing nakakausap ko sya." may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko, di ko alam kung sadyang pinaparinig nya yun sa akin pero tumagos sa akin ang mga sinabi nya.

"pero syempre, di naman ganun kabilis mawawala yun. Kahit sabihin na saglit lang naman yun, what she felt was true and it was her first, pero she'll get over it. Yun pa ba?" nakangiting dagdag pa nya. Natahimik bigla ang paligid  lahat pinakikinggan ang mga sinasabi ni kei.

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Angel sa kamay ko. Madalas nyang ginagawa yan sa tuwing alam nyang di ako komportable sa sitwasyon, di sya nagsasalita pero pinaparamdam nya ang presence nya.

It was just a short flight, pero sa buong oras na nasa himpapawid kami naglalayag din ang utak ko. I can hear people talking around me pero di ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil ang utak ko ay nauna na sa Coron.

Andun na ito sa babaeng nagawan ko ng malaking kasalanan, sa babaeng napaiyak ko, sa babaeng nasaktan ko... Sa babaeng miss na miss ko na...

Sa babaeng minahal ko pero di ko nasabi. Sa babaeng mahal ko...

-

Short update lang ulit. May pinaghahandaan akong mabigat na eksena kaya kalma muna mga be. Okay?

Konti nalang...

❤️

Fate - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon