13

1.9K 113 23
                                    

Elizabeth...

Ang bilis ng araw, masasabi ko naman na masaya ako sa mga mangyayari sa buhay ko. Madalas nga lang ay napapasenti nalang ako dahil namimiss ko ang pamilya ko sa probinsya.

Tulad nalang ngayon, nageemote nanaman ako. Hehehe. Byernes ngayon at nandito ako sa rooftop ng isa sa mga building sa school.

"i knew it!"

"ay palakang hilaw!" nagulat ako ng may magsalita.

Tumatawang lumapit sakin si Ivan. Aba ang isang to! Nahampas ko tuloy sya. Komportable na ako sakanya, sa ilang araw kasi lagi ko sya nakakasama dahil sa project nya. Minsan kasama namin buong team, minsan kaming tatlo nila Keila o kaya kaming dalawa lang. Kaya naging close na din kami.

"bakit ba nang gugulat ka? tsaka pano mo nalaman na nandito ako?"

"hahahah hinulaan ko, nasabi mo kasi last time na gusto mong matry na magstay dito. I was looking for you ayain kita kumain. Lunch na."

"ahh sorry naman, oh tara na!"

Wala kasing pasok ngayon sa opisina dahil mamayang gabi na yung party. Kaya di na kami pinapasok para makapagpahinga ang mga tauhan.

Lumabas kami sa school at sa malapit na fast food kumain.

"ang dami mo namang inorder? May sasabay pa ba satin?" naka ngangang tanong ko sakanya dahil ang dami nyang inorder kakasya na sa 4 na tao.

"i know you El, you have the appetite of a construction worker. hahahahaha."

"ahhhh! grabe ah! Nagsalita ang mahina kumain!"

Tawa padin sya ng tawa na kinurot pa ang pisngi ko.

"you really are cute El! Binibiro lang kita, para tumaba ka kaya madami akong inorder. Di ka ata kumakain ng maayos eh, you're so thin."

Nakangiting sabi pa nya, inumpisahan ng ilagay ang pagkain sa harap ko saka kumindat.

"baliw!" napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil biglang bumilis ang tibok nito.

"you okay El?" nagtatakang tanong nya.

"ahhh.. o... oo naman, bakit?" shemay nautal pa talaga ako.

"nothing." kibit balikat na sagot nya.

Ano yun? bakit ganun? Kailangan ko na atang magpacheck up napapadalas na ata yung ganung biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"uy El okay ka lang talaga?" pinakatitigan at nilapit pa nya ang mukha saakin na parang tinitignan kung may mali sa mukha ko.

"huyyy. distansya ng konti naman brad! hehehehe okay lang ako noh!" medyo naitulak ko pa sya sa gulat.

"hahahahahahah okay. okay." sabay taas ng dalawang kamay.

Pagkatapos kumain ay maghihiwalay na sana kami dahil pupunta pa ako ng mall para kitain sila ate Cora. Pero nagpilit sya na ihahatid nalang ako para makatipid daw ako ng pamasahe.

"so when are you gonna sign up?" biglang tanong nya.

"huh? sign up saan?" nagtatakang tanong ko naman sakanya.

"sa fanclub ko. Kelan ka officially magsasign up para maging fangirl ko?"

Napamaang naman ako sa sinabi nya dahil di ko talaga gets kung ano ang pinagsasabi nya.

"your way of staring at me kasi makes me feel na gwapong gwapo ka sakin. Tama ba?" tumatawang paliwanag naman nya. Nailang naman ako dahil di ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya.

Fate - COMPLETEDWhere stories live. Discover now