25

1.6K 107 16
                                    

Elizabeth...

Nakatingin ako sa kisame at pinakikinggan ang huni ng mga ibon, kanina pa ako gising pero di pa din ako bumabangon. Ilang araw na ba akong ganito? Di ko na din malaman.

Hinahayaan lang naman ako ni tita, pero sinisigurado nya na may kasama ako lagi. Ilang araw nading pabalik balik dito sila kuya Ome at ate Cora na may dalang kung anu-ano, pati si Aren at Keila ay madalas na nandito. Andami na ngang chocolates sa may ref ni tita dahil halos yun ang dala nila lao na ni Aren na halos isang basket ata ang dala araw-araw.

Narinig kong tinatawag na ako ni tita para kumain, may lakad kasi kami ngayon, pupunta kami ng school para magdrop out. Di naman dahil lang dun sa nangyari, may iba pang mas mabigat na dahilan kung bakit.

"ayan na po lalabas na." sagot ko sakanya saka bumangon na ko at inayos ang sarili.

Paglabas ko, nakangiting inaantay na ako ni tita.
"kain na tayo nak." ngumiti din ako sakanya saka umupo na.

Pagkatapos nun ay umalis na din kami papuntang school, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, nasasaktan pa din ako at kinakabahan. Kinakabahan dahil baka makasalubong ko nanaman sila, di pa ako handa.

Nakahinga ako ng maluwang ng makarating kami dun at ni anino nila ay di ko nakita. Maayos naman at mabilis ang pagasikaso ng mga papers ko at sandali lang ay natapos na kami.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng office ay sya namang pagdating ni Keila na mukhang nagulat pa na makita ako sa labas ng bahay.

"girl! Papasok ka na ulit? Buti naman, dapat sinabi mo kahapon para nasundo kita kanina." masayang masaya pa ang mukhang sabi nya, napatingin naman ako kay tita na nagpaalam muna saglit para magCR daw.

"girl, di pa kasi ako papasok. Di na ako papasok. Dito." naguguluhan naman syang nakatingin sa akin "hah? Ano? Why?" hinawakan ko pa ang kamay nya bago sumagot.

"nagdrop out na ko kasi girl." umiling iling pa ito na parang di makapaniwala sa sinabi ko, "dahil sakanya? Girl? Hayaan mo sila! Makakamove on ka din naman. Pero yung magdrop ka, wag naman." parang maiiyak ng sabi nya kaya bumigat din ang dibdib ko, napaka buti nyang kaibigan.

"di dahil sakanya, di rin dahil sa nangyari. May mas malalim na dahilan ako Kei. Yung sinabi ko sayo nung nakaraan naalala mo ba yun? Matutuloy na kasi yun. Napasakto lang din sa nangyari kaya umuoo na ako." malungkot na paliwanag ko sakanya, di madali ito dahil sobrang napalapit na talaga sya sa akin. Maski nga ang football team eh pero mukhang imposible na makapag paalam pa ako sa mga yun.

"ganun ba? Edi di na kita makikita nyan?" mangiyak ngiyak na talaga sya, napangiti naman ako sa tanong nya "saglit lang naman yun at may skype naman. Magkakausap padin tayo. Wag ka ng malungkot."

"mamimiss kita Eli. Sobra." tumulo na ng tuluyan ang luha ko "mamimiss din kita Kei salamat sa lahat lahat." yinakap ko sya ng mahigpit pagkatapos. Sakto namang kalalabas na ng CR ni tita.

"una na kami Kei, chat kita lagi ipagpaalam mo nalang ako kila Mark ah? Tsaka sabihin mo sakanya na kapag pinaiyak ka nya ulit ako na bubugbog sakanya." natatawang pagpapaalam ko sakanya tumango na sya at malungkot na ngumiti "nakuuu lagi daw ichachat, tamad ka kaya magchat tsaka wag kang magalala di na ko paiiyakin nun ako na magpapaiyak sakanya hehehe joke. Babye girl, see you." sinamaan ko naman sya ng tingin kaya nagpeace sign pa ito saka kumaway na sa amin.

Medyo nakalayo na kami sakanya ni tita ng  lumingon ako nakita ko tuloy na parang nagmamadali syang naglalakad papunta sa direksyon ng cafeteria. San kaya punta nun?

Bumuntong hininga muna ako ng malalim ng makasakay na sa taxi, tinanaw nalang ang school mula sa bintana.

"okay ka lang?" nagaalalang tanong ni tita, umiling ako pero ngumiti "hindi pa po tita, pero alam ko po na magiging okay din naman ako."

May mga bagay lang talaga siguro na kahit paano mo gustuhin, kung di para sayo hindi mapapasayo at kapag pinilit mo lalo ka lang masasaktan.

Nasaktan ako, pero naging masaya din naman ako. Sapat na yun para patawarin ko na sya, siguro talagang hindi lang kami at yun ang pag-aaralan kong tanggapin sa mga araw na darating.

Hoooooo... Kaya koto!

-

Eli 😭

Short update lang!

Fate - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon