7

1.9K 117 7
                                    

Elizabeth...

Mabilis na lumipas ang araw unti-unti ko na ding nakakasanayan ang mga bagay bagay dito sa Maynila. Maayos naman ang mga kasama ko sa trabaho maging sa school ay nakakapag adjust na din ako. Saturday ngayon at susunduin ako ni Keila para isamang manuod ng try-outs at practice ng football team.

"Eli anak, andito na si Keila!" tawag sakin ni tita mula sa labas.

"opo andyan na po."

"oh wag masyado magpagabi ah? Enjoy kayo anak." sabi ni tita.

"opo tita, salamat po. Uwi po ako ng maaga." paalam ko.

Paglabas ko nandun na nga si Keila.

"good morning girl! Nakakainis ka kahit ano isuot mo bagay sayo." sabi nya saakin habang tinitignan ako. Suot ko kasi ung high-waist pants and ung white off shoulder na bigay nya.

"hahah di naman, ikaw din naman ang ganda magdala ng damit eh."

"no girl, you're too slim and i'm inggit coz me i have to diet pa para di tumaba." nakanguso pading sabi nya.

"hahaha ikaw talaga. maganda ka naman. halika na nga."

Pagdating namin ng school dumeretso agad sya sa field, ako kasi ay may hihiramin pang books sa library kaya pinauna ko na sya doon. Wala masyadong estudyante ngayon sa library karamihan sakanila ay ung mga nagtetake ng Masterals.

"ahmm miss sang section kopo mahahanap to?" tanong ko doon sa student aid sabay pakita nung listahan ko. Tinuro naman nya agad ito.

"aiy thank you po." sabi ko sakanya.

Nakuha ko na ung dalawang libro na hihiramin ko. Ung isa nalang na tungkol sa Character Development ang kailangan ko at pinahihirapan ako nito ng bonggang bongga dahil medyo mataas ang kinalalagyan nya kaya hirap akong maabot kahit na may katangkaran naman ako. Wala pa naman ung student aid na pinagtanungan ko kanina.

Trinay ko ulit lundagin pero di parin successful at ang masaklap pa ay na off balance ako kaya napaupo ako.

"harayyy ko naman po, ung balakang ko nanaman po." babangon na sana ako ng may umalalay sa akin patayo.

"are you okay miss?" sabi ng baritonong boses na tumulong sakin patayo.

"opo okay lang po, salamat po." ngumiti naman sya akin at medyo napatulala ako dahil dun dahil mas gwapo syang nakangiti. Ahead siguro sya sa akin ng ilang taon, ah baka isa sya sa mga nagmamasterals at nakita nya ang pagbagsak ko. Nemen! Kahihiyan nanaman elizabeth.

"here." abot nya sakin nung librong kanina kopa inaabot, ang tangkad ni kyaa mga be.

"ay naku salamat po sir. kanina pa ko pinahihirapan ng isang to. salamat po." malapad na ngiti ko sakanya.

"no biggie, Christian Aren by the way. You are?"

"ayyy Mary Elizabeth po sir, Eli nalang po." pinunasan ko pa ung kamay ko bago inabot ung nakalahad nyang kamay.

"hahaha no need to call me sir Eli, Aren or Ian will do di naman siguro ganun kalayo ang age natin." at tumigil ang mundo ng tumawa sya mga be. Hindi tao ang isang to! Diyos sya! Diyos ng kagwapuhan.

"aiy sige Ian. Thank you po ulit dito."naalala ko na manunuod nga pala ako ng practice baka hinahanap na ko ni Keila.

"okay eli, see you around."

Hiniram ko na ang mga libro at nagmamadali na pumunta ng field. Napapangiti pa ako ng maalala ko si Ian. Crush ko na ata sya.

Iyyyy landi Elizabeth!

"girl bakit ang tagal mo naman?" tanong agad sakin ni Keila sabay hila sakin paupo.

"sorry girl, natagalan kasi ako hanapin ung isang book." tumango naman sya.

"nagsisimula na sila."parang kinikilig na sabi nya nakatitig kay Mark.

Magagaling sila. At talaga namang makikita mo sa bawat galaw nila na nageenjoy sila. Lalo na si Ivan na team captain. Grabe. Di pala totoo ang sinasabi nila na nobody is perfect dahil kung totoo yun edi ano to si Ivan? Hindi tao? Napakagaling sa football, at ayon na sa mga kwento ni Keila marunong ding kumanta at sumayaw, matalino pa, at sa ilang araw na nakakasalamuha ko siya masasabi ko na talagang mabait siya, kahit pa doon sa mga makukulit na fangirls nila ay lagi nyang nginingitian.

"hm girl, hanggang anong oras ba ung practice nila?" tanong ko kay Keila dahil may usapan pa na maghahangout kila Mark pagtapos ng practice para mag movie marathon daw. Mga mayayaman talaga.

"til 12 lang naman daw girl, para doon na daw tayo kila Mark maglunch."

"talaga bang sasama pa ako doon? Nakakahiya ata girl" nagaalalangan kong sabi sakanya. Dahil kahit naman na mababait sila sakin ay alam ko pading magkakaiba ang mga buhay namin.

"don't girl. Friend kita. At these guys treat you as their friend too kaya wag kang mahihiya. Nakuu sige ka pag di ka sumama magtatampo yan sayo O.A pa naman din magtampo yan girl. Hahah" napatawa at napatango nalang ako sa sinagot nya.

Mga 12:30 na nang matapos sila. Tumatakbong nagsi lapit naman sila samin na pinangunahan ni Mark na malakas pang sumigaw.

"hello girls! Anong masasabi nyo?"

"as usual Maky you guys were so good." si Keila ang unang sumagot.

"ang gagaling nyo! Mga idol!" energetic na sagot ko naman na nagpatawa sakanila.

"Hi Eli! Glad you came to watch." si Ivan yun.

"heheh oo naman no. Kayo paba? Malalakas kayo sakin eh." nakangiting sagot ko sakanya.

"talaga Mary Eli? Ang sweet mo talaga." sabi naman ni Brian na pinisil pa ang ilong ko.

"wag ang ilong ko bro!" sita ko sakanya na hinampas ng mahina ang kamay. Natawa nalang naman sila.

"so what can you say about us?" singit ni Ivan na ngayon ay nagpupunas na ng pawis.

"ang gagaling nyo, kahit na di ko alam ang pasikot sikot ng football masasabi ko na ang gagaling nyo talaga. Lalo kana grabe! Captain na captain! Woooh!" o.a na sagot ko sakanya.

"hahahaha you really are cute Eli. Thank you." nakangiti nyang sabi sakin kaya napangiti na din ako sakanya ng malapad.

"aray. aray. may langgam. may langgam. tara na Captain baka maubos kami ng langgam." inakbayan nya pa si Ivan at kasama ang mga team mates na panay ang tawa. Nagpaalam sila na magshoshower muna.

"may langgam ba girl? kinagat kaba? wala naman ah." baling ko kay Keila na tumatawa din.

"hihihihi wag mo ng pansinin yun girl."

Napapaisip naman ako. Baliw talaga mga yun.

-

🎄🎄🎄

<3

Fate - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon