11

1.7K 114 3
                                    

Elizabeth...

Pili. Pili. Hindi. Hindi. Hayyy ano ba magandang kantahin na hindi jologs pakinggan?

"beb, ang dami daming kanta na pwedeng pagpilian calm down." sita sakin ni ate cora dahil kanina pa ako nakabusangot habang nakaharap sa youtube.

Naghahanap na kami ng kakantahin ko sa party para makapagpractice na din ako.

"ate di ko ata kaya, iba nalang kaya." nawawalang pagasa kong sabi. Baka sabihin nyong O.A ako, oy di noh kinakabahan lang kasi ako, sino ba namang hindi kung papakantahin ka sa harap ng buong kumpanya andun mga boss mo at mga kaibigan nilang mayayaman.

"baklang twoooh! Kaya mo yan Eli! Mas nakakahiya kung isa samin ang gagawa nyan. Baka wala na kaming trabaho kinabukasan hahahahaha" biglang sulpot ni kuya ome na may dalang salabat daw.

Sya namang dating ni tita galing kusina. Kasalanan nya talaga to eh sya kasi nagkwento kay sir Cris na kumakanta ako. Tita kasi ehhh...

"oh kumain na muna kayo para mas magfunction mga brain cells nyo." aya nya sa amin tatlo na nakasalampak sa sala at nakatutok sa laptop.

"ayy bet ate Mira! Alam ko kung gaano ka kasarap magluto. Tara na bagets eat muna tayo!" nauna ng tumayo si kuya ome.

"pobre ka talaga bakla, isa kang timawa." habol na pangaalaska ni ate cora kaya inirapan sya nito. Tawa naman ako ng tawa sakanilang dalawa.

Ang ingay namin sa hapag, panay kasi asaran nila kaya di kami matigil ni tita sa kakatawa. Mga baliw din talaga. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na din sila dahil may pasok pa bukas. Ako naman ang naghugas ng mga kinainan namin. Habang si tita ang nagtsatsa-a.

"ikalma mo lang ang sarili mo eli, wag mo ipressure ang sarili mo sa pagpili ng kanta dahil sigurado naman na kahit ano pa yun ay magugustuhan nila." nakangiting sabi ni tita na pinagmamasdan ako sa paghuhugas.

"nakuu tita! Syempre po alam ko naman po yun pero nakakahiya po talaga eh. Makapal po mukha ko sa probinsya kasi halos kakilala naman natin mga yun pero ito po nakuuuuu. I kennat po!" pagpapaliwanag ko with matching action pa na tinawanan lang ni tita saka nagpaalam na matutulog na.

Si tita talaga pagkatapos ako tawanan biglang magpapaalam na matutulog hehehe.

Dumeretso nako sa kwarto pag katapos ko maghugas pero di pa ko matutulog may mga irereview pa kasi ako at kailangan ko pa maghanap ng kakantahin.

Pagtingin ko naman sa phone ko ay may text yun galing kay Keila na nag gogoodnight. Nireplyan ko nalang din. Meron ding isa galing kay Ivan nagtatanong kung free ako bukas para sa interview. Nagreply din ako.

Past 11pm na ng makaramdam ako ng antok.

Maaga padin akong nagising kinabukasan kahit na late nako nakatulog. Kaya kagaya ng dati ay maaga palang ay nasa opisina na ako. Magisa akong pumasok ngayon dahil nakaleave si tita.

"good morning Mary Eli!" nagulat pako ng maabutan ko si sir Cris na nandun na at may ginagawa na sa harap ng computer.

"woww! Mas maaga pa po kayo sakin sir?!"

"kanina pa akong 6:30 dito I need to finish some presentation dahil nagtawag ng emergency meeting si boss mamayang 9am." sabi nya sakin na halatang antok na antok pa.

"kape sir?" alok ko sakanya.

"sige nga please Eli, i need that." kaya tinimplahan ko sya ng aking specialty na kape. Mukhang nagustuhan naman nya dahil nakangiti syang nagpasalamat.

"thank you eli girl." saka na nya pinagpatuloy ang ginagawa.

Hmmp sayang talaga to si sir. Hehehe

Maya maya lang ay nagsidatingan na din ang mga kasama namin dito sa opisina, kagaya ni sir Cris ay deretso trabaho din agad sila na di tulad noon na chika chika pa ng ilang minuto.

Pagdating ng 9am ay lumabas sila sir Cris at si ate Cora papunta na dun sa meeting. Nagpakabusy nalang din ako dito sa ginagawa ko.

"ahm El, palambing nga ako girl pahatid to kay Madam Rachel sa HR noong isang araw pa kasi nya to hinihingi eh." sabi ni kuya Ome.

"sige po sir. Akin na po."

Pakanta kanta ako dito sa loob ng elevator dahil naman hanggang ngayon di padin ako sanay dito.

"nice voice." gulat na napamulagat ako ng may nagsalita. Di ko man lang namalayan na sumakay sya. Lutang na lutang lang.

Paglingon ko sa nagsalita mas nagulat ako ng makilala ito.

"halllaaaa sir Christian kayo po pala yan. Hehe ano po ginagawa nyo dito?"

"just Christian, Eli. Wag na yung sir. nice to see you again, may binisita lang ako. You, what are you doing here?"

"ayy dito po ako nagtratrabaho. Part time." sagot ko na tinanguan naman nya, saktong nandito nako sa flr na sadya ko kaya nagpaalam nako dito.

"sige po dito na ko. Bye! Nice seeing you again po." nagmamadaling lumabas nako dahil nun palang nagsink in sakin na narinig nya siguro akong kumakanta. Nakakahiya.

"bye eli. Sana next time mas malinaw ko na marinig ang pagkanta mo." nakangiti pa syang kumaway. Ramdam ko naman na ang pula na ng mukha ko.

Pagkahatid ko ng mga papeles na yun kay ms rachel ay saktong lunch break na. Kaya nagout na din ako para kumain wala kasi akong pasok ngayon sa school kaya whole day opisina ako.

Papunta ako ngayon sa cafe malapit dito, dun kasi usapan namin ni Ivan na magkikita para sa interview nya sakin (interview talaga?). Gusto pa nga nya sana eh sunduin ako kaso nakuu di ako pwede magmaganda dahil baka ano isipin nila kaya dun nalang kami magkikita. Konting kembot lang din naman ang layo ng cafe sa opisina eh.

Agad ko syang hinanap pagpasok ko, nakita ko naman sya agad na kumakaway sakin. Medyo natulala pa ko sakanya.

Kelan kaya di magiging gwapo ang isang to?

-
Hello mga be!
Ang lamig ng panahon noh?

<3

Fate - COMPLETEDWhere stories live. Discover now