Glasses Two : The Arrogant Monster.

511K 11.7K 1.2K
                                    



--

GLASSES TWO : THE ARROGANT MONSTER.

Sabrina's POV :


Humiwalay muna ako kila Vince at Ella kasi may kailangan pa kong ibalik sa library. I was walking at the corridor nang makita ko si Kirsten at yung mga 'kaibigan' niya. Iniiwasan ko sila pero mukhang huli na ata para gawin pa yon, nakita na nila ako at wala narin naman akong magagawa since magkakasalubong talaga kami.


I sighed and prepared myself. This is not good.


Humigpit yung hawak ko sa strap ng bag ko at iniiwasang magkatinginan kami, but it seems like luck isn't my best friend. Napatigil ako sa paglalakad ng humarang sila sa dadaanan ko, I tilt my head up para makita ang naka ngising si Kirsten, her arms were crossed while glaring at me.


"Hi." Sabi niya.


Ngumiti naman ako ng pilit saka sinubukang dumaan sa gilid ng corridor pero sadyang ayaw nila akong paalisin. Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari kasi parang nasa mood ata sila na pagtripan ako. Hindi ko alam kung bakit nagkakaron parin sila ng interes para paglaruan ako, given the fact that I'm already invisible in everyone's eyes.


But I guess, not for them.


"Oh, leaving so fast?" Napakagat ako sa labi ko ng hawakan niya ko sa braso. Uh-Oh, this is really not good. Narinig ko yung pag ngisi niya, "Why are you avoiding me anyway?" Hinila niya ko papunta sa harap niya.


I was trying to avoid her gaze, "Kirsten, please." Sabi ko habang nag iisip ng paraan para makaalis dito. Napangiti naman yung dalawa niyang alipores, tumingin ako sa kanya pero nginisian niya lang ako.


"You're not going anywhere, stupid nerd." Hinila niya ko, ang bilis niya maglakad kaya nadadala ako. She has a tight grip kaya masakit pero hindi ko na ininda yon since lagi namang nangyayari to. I'm used to it. Parang nasanay na din naman ako sa gantong set – up.


But of course, I'm trying my best to avoid it.


"You're a dead meat." Bulong sakin ni Juliette habang may nakakalokong ngiti. Pero hindi ko na lang siya pinansin, lagi naman kasi yun yung sinasabi niya sakin kada may gagawin silang hindi maganda.


"Kirsten, ano ba. Bitawan mo na ko please." I said calmly habang nakatingin sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.


"I'm not even starting yet, don't be excited." She grins. Nasa may hallway kami ng bigla akong bitawan ni Kirsten, medyo malakas yung pagkakatulak niya sakin kaya napaupo ako sa sahig. Natanggal yung salamin ko at nabitawan ko yung mga dala kong libro.


Napakagat ako sa labi ko saka mariing pumikit.


There were a massive people, since uwian na masyado ng maraming tao kaya marami naring nakakakita sakin. They were eyeing me with disgust on their faces—it's like it was their first time seeing me again. Na parang eto na naman yung unang beses nila akong makita after being invisible in their eyes.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon