Glasses Thirty : She's The Bully.

298K 7.1K 843
                                    


Media: Kirsten Julie Fowler

--

GLASSES THIRTY : SHE'S THE BULLY.

Sabrina's POV :


Tumagal din ng ilang oras bago ko napagdesisyunang umalis ng memorial. Alas-siete pa lang ng gabi at eto ako, papunta naman ngayon sa hospital para puntahan si Gino. May bitbit akong sapat na mga damit dahil doon ulit ako matutulog, bitbit ko na din ang uniform ko para sa pasok namin kinabukasan.


Nang makita ko yung kwarto nya, agad akong pumasok sa loob. Naka private room kami dahil isa narin ito sa inutos ni Lemuel ng bayaran nya yung hospital bills ni Gino. Kahit nahihiya ako at mabigat sa dibdib, hindi na ko nagreklamo dahil para din naman 'yon sa kapatid ko.


Pumasok ako sa loob at tumambad sakin si Tita Lucy saka si Denver na nunuod ng TV habang si Vanilla na tulog naman sa tabi ni Gino. Napangiti ako, kahit anong mangyari talaga hindi nila iniwan ang kapatid ko. Tumayo naman si Tita Lucy at lumapit sakin,


"Tita," Ngumiti ako atsaka lumapit para mag-mano. "Kamusta daw po?"


Ngumiti si Tita Lucy saka marahan na sinuklay ang buhok ko, "Maayos naman, wala paring pagbabago pero hindi din naman daw delikado."


Tumango ako at ngumiti saka sinulyapan si Denver, "Denver, wala kayong pasok bukas?"


"Meron, Ate Sab. Inantay ka lang namin dumating, uwi na din kami mamaya pagkatapos natin magdinner."


"Bibili lang muna kami ni Denver ng makakain natin sa labas, hija."


"Sige po, tita. Thank you po." Pinanuod ko silang umalis saka muling tumingin kay Gino at Vanilla. Sinuklay ko yung buhok ni Vanilla saka, ang himbing himbig ng tulog nya habang nakahawak sa kamay ni Gino.


Umupo ako sa kabilang side ng kama ni Gino saka sya hinalikan sa noo, "Hanggang ngayon hindi ka pa din gumigising. Nasaan ka na ba at bakit parang ayaw mong bumalik?" Malungkot akong ngumiti, hinaplos ko ang pisngi nya. "Miss na miss ka na namin, baka naman gusto mo na bumalik dito? Kasama mo ba dyan sila Mama?" Huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko na yung pagbara ng lalamunan ko. "Alam kong matagal mo na silang gusto makasama pero paano naman ako? Sino na lang kasama ko?"



Matapos namin kumain, hinatid ko na din palabas sila Tita Lucy para makauwi. Sinabay na din nila Vanilla kasi wala ding makakasama si Lola Paz. Naglalakad ako pabalik ng kwarto ni Gino ng may makita akong dalawang pamilyar na mukha, kumunot ang noo ko.


Anong ginagawa nila dito?


Napangiti ako ng mamukhaan ko sila, lalapitan ko na sana sila ng mapatingin sila sakin. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makumpirma ko ngang tama ako. Bakas sa mata nilang dalawa yung gulat lalong lalo na si Lora.


Agad nabawi ni Macoy yung pagkagulat at nagmamadaling lumapit sakin, "Saburina!" Niyakap nya ko ng mahigpit, natawa naman ako saka sya tinignan. Kailan ko lang din nalaman na sila Macoy ang may-ari ng hospital na 'to. Isa din pala sya sa nagsabi na ilipat kami sa private room at tutukan ang kapatid ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at hindi ko alam kung sa paanong paraan ko sila mababayaran.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon