Glasses Forty-Three : Sacrifices.

205K 5.7K 644
                                    



--

GLASSES FORTY-THREE : SACRIFICES.

Sabrina's POV:


"Papasok ka, Ate?" Napatingin ako kay Gino na nakatitig lang sakin.


Tumango ako, "Oo, bakit? Aalis ka ba?" Umiling sya at hindi na sumagot. Nanatiling syang nakatingin sakin kaya naman ay nakaramdam ako ng pagka-ilang, "Huy! Okay ka lang ba? Makatitig ka naman?" Natatawa kong sita.


Nagkibit-balikat sya, "I'm just concerned. Ikaw ate, okay ka na ba?"


Nawala yung ngisi sa labi ko, hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana. "Oo naman. Bakit hindi ako magiging okay?" Pilit akong ngumiti sa kanya saka tinaas-taas yung kilay ko.


Umiling sya at lumapit sakin saka ako niyakap, "I am always here for you, Ate. Magkapatid talaga tayo ano? Parehas tayon may sakit sa puso." Pagbibiro nya pero hindi ako natuwa.


Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at tinignan sya ng masama, "Anong sinasabi mo?! Hindi magandang joke 'yan ha!" Inis kong saway sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin habang nakasimangot.


He chuckled, "Pero hindi din magadan 'yang nangyayari sayo. Alam mo namang ayoko sa lahat yung nakikita kang nasasaktan. It's been almost two months since you broke up. Are you still planning to confront him?" Tinignan nya ko na may halong pag-aalala.


Malungkot akong ngumiti, "No, Gino. I don't want to get myself involve again pero ewan ko, gusto ko na din mawala yung bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa nasasabi lahat parang kailangan ko lang ilabas 'to para maka move-on na ko." Huminga ako ng malalim atsaka ginulo yung buhok ng kapatid ko. "Wag mo paglalaruan feelings ng ibang tao ha?"


Ngumisi naman sya at hinalikan ako sa noo, "Why would I do that? Ayoko ngang nasasaktan ka tapos mananakit pa ako? Hindi na kita nirespeto non. Don't worry, you'll get over it, Ate. You're a strong lady, you can overcome it. Sana lang wag ka magmamakaawa sa kanya kasi magagalit talaga ako."


I chuckled, "Hindi naman. Hindi ko na gagawin 'yon."


Lumipas ang pasko at bagong taon na punong-puno ng lungkot yung puso ko. As much as I want to be happy hindi ko magawa pero pinilit ko para sa kapatid ko. Jhano and the gang never failed to comfort me. They were always there to cheer me up kaya I'm still thankful.


Pero ganoon siguro talaga kapag nasasaktan, ano? You can never be fully happy kasi there will always be a part of me na iniisip kung saan ba ako nagkulang? Bakit parang ang hirap maging masaya?


The past months was hard for me, umabot sa point na hindi na ko sumasama sa kanila kapag nakikita ko sya saka si Tine. Lumipat na din ako sa tabi ni Lora t'wing klase at lagi kong gustong mag-isa. T'wing nababanggit ang pangalan niya o t'wing nakikita ko siya biglang bumabalik lahat ng sakit, lahat ng nangyari at kung pano niya ko iniwan nung gabing 'yon.


Sinusubukan kong tumayo pero hindi ko kaya parang lahat ng lakas ko naubos ng ganon-ganon na lang. Pakiramdam ko nawala lahat...nawala siya. Mapait akong ngumiti at humiga na lang sa malamig na damo ng field.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon