Glasses Forty-Four : Where Do Broken Hearts Go?

216K 5.7K 844
                                    



--

GLASSES FORTY-FOUR : WHERE DO BROKEN HEARTS GO?

Sabrina's POV :


Lumipas ang lunch na nakatambay lang kami ni Jhano sa garden. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano at sa sandaling 'yon nagawa niyang pagaanin yung loob ko. I just can't thank him enough. Halos malapit narin magtime ng napagdesisyunan namin na bumalik ng room.


Habang pabalik ay tawa ako ng tawa sa mga experiences ni Jhano sa korea nung bata pa sya. He keeps on telling me stories about his life when he was a kid. I almost got teary-eyed at alam kong rinig na rinig yung tawa ko sa hallway pero agad din 'tong natigil ng biglang lumabas si Lemuel ng room.


Bakas ang gulat sa mga mata nya pero agad ding naging blanko ang mga tingin nya. Nawala yung ngiti ko ng makita ko sya, bumilis yung tibok ng puso ko. Eto yung unang beses na nagkatinginan kami simula nung gabing 'yon. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko yung pagkirot nito.


Lemuel glance at Jhano bago kami nilagpasan at umalis. Napaka ako sa kinatatayuan ako saglit akong natulala, I then realized na ganon lang pala talaga kabilis ang lahat ano? It's sad how someone can go from being the reason for your smiles to being the reason for your tears.


I smiled bitterly saka tinignan si Jhano na tahimik na nakatingin sakin. "Sorry, I...I spaced out. Tara?" Ngumisi ako saka pumasok sa room.


"Going home?" Tanong sakin ni Jhano.


Ngumiti ako at umiling. "Not yet, may kailangan lang akong ayusin."


Nagtataka siyang tumingin sakin. "Are you planning to confront him, Sabrina?" Tumango ako, his lips pressed into a thin line. "No." He said with authority. I'm sorry, Jhano but that won't stop me.


Ngumiti ako atsaka ko hinawakan yung braso nya. "I need to do this, kailangan kong irelease lahat ng 'to kasi baka hindi ko kayanin. I just want closure."


Huminga sya ng malalim at he looks at me frustrated, "But what you're asking for is hard for me, girlfriend. You're just going to hurt yourself over and over again."


I chuckled. "You don't have to worry. It's going to be alright. Que sera sera." I smiled.


Tumaas yung kilay nya sa sinabi ko, "Whatever will be, will be?" I nodded. Nagpakawala sya ng malalim na paghinga, "Alright. I trust you, girlfriend. Text me if something happens—" Napatigil siya. "No, call me if something happens. Is that clear?"


I smiled. "Yes, duly noted!"


Niyakap niya ng mahigpit. "Just be strong, okay?"


Tumango ako. "Thank you for always being there for me."


Tumawa siya at lalo akong niyakap ng mahigpit. "Don't worry, I'll never stop being there for you. Ik hou van je." Hinalikan nya ko sa noo bago umalis.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon