Glasses Fifteen : Awkward.

298K 8.6K 1.1K
                                    



--

GLASSES FIFTEEN : AWKWARD.

Sabrina's POV :


Dalawang araw na nakalipas simula nung nangyari samin ni Neil at hindi ko pa siya nakikita simula non. At hanggang ngayon, nalilito parin ako sa mga nangyayari.


Dalawang araw na rin pala nakalipas simula nang maging cold sila Jhano, parang bigla na lang silang nag – iba sa di malamang dahilan. Hindi din nila ako pinapansin, yung tipong magkakatabi na kami pero hindi nila ako kinikibo. Natatakot naman akong magtanong kasi baka hindi nila ako pansinin. Para akong kumakausap sa hangin.


Buti na nga lang at sabado na, medyo nakahinga na ko ng maluwag pero pakiramdam ko nadagdagan lang yung problema ko dahil biglang nag – iba sila Jhano.


Naglalakad ako papunta kila Aling Baby, sana wala sila Mang Raul. Ugh. Naalala ko tuloy yung halimaw na ayaw na kong papuntahin dito. Bakit kaya ang hilig non makielam ano? Palibhasa rich kid. Hay. Nagulat ako ng may bumusinang sasakyan sa likod ko.


Nakita ko ang isang puting sasakyan sa likod ko, maya – maya pa tumapat ito sakin, nagtataka akong tinignan kung sino na naman to kasi parang nangyari na yung gantong eksena. Unti – unti binaba niya yung bintana at napanganga ako sa nakita ko,


"Ate NaDi?!" Gulat kong tanong.


She was smiling from ear to ear. "Hello my beautiful sister – in – law! Kamusta ka naman? Kayo na ba ng kapatid ko?" She chuckles, "Come on, we'll have a date!"


Napailing ako habang nakangiti, "Ay nako Ate NaDi, hindi po ako pwede ngayon. May work po kasi ako." Tumango tango siya at tumingin sa relo niya,


"May work ka? Okay, hop in. Hatid na kita sa work mo, maybe I'll stay there for I while too. I won't take no for an answer." She smiles. Tumango naman ako at sumakay na.


"Omg! Kila Aling Baby ka nagwowork, sister – in – law?! Omg!" Ngumiti ako at tumango, tuwang tuwa naman siyang bumaba kasabay ko saka tumakbo papunta kay Aling Baby, na ipinagtaka ko. "Aling Baby!!!! Omg! Omg! Omg! Namiss kitaaaaa!!!"


Bakas sa mukha ni Aling Baby yung pagkagulat pero agad tong napalitan ng malaking ngiti at katulad ng ginagawa niya sakin, nakaabang na din yung malalaki niyang braso para yakapin si Ate NaDi, "Natasha!!!" Sigaw ni Aling Baby saka niyakap si Ate NaDi.


"Omg Aling Baby! Ang cuddly mo parin!" Naka ngiting sabi ni Ate NaDi.


Natawa si Aling Baby, "Nako napaka ganda mo parin hija!" Obviously, magkakilala silang dalawa. Bakit hindi ako aware? Napailing na lang ako habang naka ngiti saka pumasok sa loob kung nasaan si Jing – Jing.


"Ate Sabrina, hulaan ko.. siya yung Ate nung boyfriend mo noh? Magkamukha sila eh." Nginitian ko na lang siya saka siya tinulungan mag serve. Mukhang matagal tagal pa na kamustahan yon kaya hinayaan ko muna sila.


"So Sabrina, nabanggit sakin ni Aling Baby na may boyfriend ka na daw at ang pangalan daw niya ay Nathan Park. Well, wala namang ibang Nathan Park kundi yung kapatid ko lang diba?" Ngumiti siya sakin and then she wiggled her eyebrows, "Is that true?"

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon