Glasses Seventeen : In Times Of Loneliness.

261K 7.2K 748
                                    



--

GLASSES SEVENTEEN : IN TIMES OF LONELINESS.

Sabrina's POV :


"I guess you need me now." Agad naman akong napatingala para tignan kung sino siya at hindi ko napigilang maluha. Sa lahat ng tao, hindi ko inaasahang siya yung makakakita sakin ngayon?


Bakit nga ba siya nawala sa isip ko?


"Vince.." I sob, naglabas siya ng panyo saka pinunasan yung pisngi ko.


"Shh, it's okay Sab. Ano bang problema at nag eemo ka ng ganito ka aga?" Natawa naman ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga to!


"Panira ka ng moment." Sabi ko saka siya hinampas sa braso.


Bigla siyang natawa, "Bakit? Hahaha! Totoo naman kasi! Aga aga tapos umiiyak ka jan! Ano ba nangyari ha? May nang away na naman ba sayo? Sabihin mo dali, untog natin sa abs ko! Hindi pwedeng pinapaiyak nila yung mga babae ko aba!"


Umiling ako habang natatawa, "Baliw ka talaga, Vince! Tumigil ka nga jan!"


"Okay fine. Sabihin mo muna, ano bang problema ng best friend ko ha?" Umupo siya sa tabi ko saka ako inakbayan, "May failing grades ka ba?" Umiling ako. "Expelled ka na?" Umiling ulit ako. "Eh ano? Natatae ka?" Tumawa ako saka ulit siya hinampas sa braso. "Joke lang to naman! Pinapatawa lang kita." Ngumiti siya saka ako kinindatan, "Sige na, sabihin mo na. Makikinig ako kahit gaano pa kadrama yan."


Kwinento ko sa kanya yung nangyari simula nung naging cold sila Jhano sakin hanggang sa nangyari kanina. Tahimik lang siya habang nagkukwento ako, hindi ko din mapigilang maluha. Ang tagal ko din pala silang hindi nakasama ni Ella, nakalimutan kong pwede ko din pala silang puntahan pero nataon namang busy din pala sila nung mga nakaraang araw.


"Nagets ko problema mo, Sab. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit natitiis nilang hindi pansinin ang isang tulad mo diba? Though alam ko ding may ganong kaartehan yung M5 pero yung hindi ka nila papansin? Aba! Hindi pwede yon. Sabrina na yan tapos ayaw pa? Saka yung kila Kirsten, hayaan mo sila. Papansin lang yong mga yon, wala kasing pumapansin sa kanila eh."


Natawa naman ako sa sinabi niya, "Laki mong tulong!" Sabi ko.


Ngumiti naman siya saka tumayo, "To naman, tara labas muna tayo. Lunch break naman eh." Inabot niya yung kamay ko saka ngumiti ng makahulugan, "Alam mo na kung saan tayo kakain?"


At parang cue yon para umilaw yung light bulb sa ulo ko, "Sorbs!" Sabi ko habang ngiting ngiti. Tumango siya saka tumawa, "Oo dun na lang tayo kumain! Matagal na tayong hindi nakakapunta dun eh!" Lumabas kami ng school pero iniwan muna naming yung borrower's card namin sa guard.


Yung Sorbs ay short for Sorbetes ni Simoun, malapit lang siya sa school. Patok din siya sa mga estudyante na galing ng ibang school at yung ibang estudyante ng Park – Hyun na hindi kasing arte nila Kirsten na sa mamamahaling pastry shops lang kumakain.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon