Glasses Twenty-Eight : Break Free.

306K 6.9K 1.1K
                                    


Time frame: One month na nakalipas.

--

GLASSES TWENTY-EIGHT : BREAK FREE.

Vince's POV :


Sabado. Wala kaming pasok, wala namang magawa dito sa bahay. Nakakasawa mag xbox, nakakasawa mag laptop, nakakasawa manuod ng basketball, nakakasawa mag PSP, nakakasawa mag Ipad, nakakasawa. Nakakasawa na talaga kahit nga paghihintay minsan nakakasawa na eh.


Kung puntahan ko kaya si Sab? Teka, nasan nga ba siya? Sabado, malamang nakila Aling Baby sya ngayon. Tss. Sayang naman. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, one month na nakalipas. Imagine isang buwan na pala pero masakit parin pag naaalala ko, kung paano ako binest friend zoned.


Kaming mga lalaki lagi ang nalalagay sa friendzone, kami lagi yung nasasaktan pagnagmamahal ng bestfriend. Kasalanan ba naming lumagpas sa 'friends' yung feelings namin para sa isang babae?


May instances naman na, ginagawa kaming rebound. Syempre tanga papaya. Wala eh? Mahal kasi eh. Kung ako 'yon? Tss. Papayag din ako. Okay lang na ako na lang ang masaktan wag lang ang babaeng mahal ko. Wag lang si Sab. Nakaka badtrip diba? Kung sino pa ung mga nagmamahal ng totoo sila pa ung nasasaktan ng ganto.


Shit lang diba? Ilang gallon na lakas ng loob ang inipon ko. Naka ilang lunok ako ng laway, ilang sunod sunod na paghinga ang ginawa ko. Ilang beses kong pinag - isipan kung itutuloy ko ba ang pag amin ko o hindi. Ilang beses kong pinaulit-ulit na 'kaya ko 'to' pero kung hindi para sayo, wala talaga.


Alam niyo ba feeling na ilang beses mareject? Ilang beses paasahin? Pero sakin di naman ako pinaasa ehh. AKO yung umasa, masakit parin. Ginusto ko naman 'to kahit alam kong hindi magiging kami sinubukan ko parin. There's no harm in trying, diba? Eh ang kaso ayun nga, basted.


Wala nga naman na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari kelangan nalang nating panindigan to. Move - on Vince. One month. One month ka ng nagdudusa. Bwahahaha!


Mula sa pagtitig ko sa kisame at patuloy sa pag - iisip sa kawalan, napagdesisyunan kong magpahangin muna, baka sakaling makita ko yung babaeng makakatulong sakin para makalimot.


Ayoko man pero kelangan.


Mahal ko siya, Mahal niya ko--bilang kaibigan nga lang.


Pero kahit anong gawin ko, siya parin eh. Matagal tagal 'to di ko naman ginawang solusyon ang alak. Ahh! Oo na, tatlong araw akong may hang over pero naawa ako sa kagwapuhan ko kaya tinigil ko na yung pag inom.


Ang alak, oo yan ang pinakaunang sandalan o takbuhan ng mga taong problemado sa buhay, yung mga nagago, yung ginago, yung nang gago na nagsisisi, yung mga broken hearted o di kaya yung mga basted pero ilang araw lang yan makakatulong, kinabukasan paggising mo. Iiyak ka na naman, wala din. Sayang yung pera, sayang yung bote saka sayang yung mga araw na dapat sana'y tinutulungan mo sarili mo.


Kaya ako? Eto naglalakad sa labas, lumalanghap ng polluted na hangin, naghahanap..naghahanap ng makakatulong sakin.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon