Chapter 22

30.3K 811 123
                                    

Zamora’s Residence. 4:45 AM.

Hindi pa sumisikat ang araw ngunit sinusulit na ni Dante ang kape at almusal na inihanda ng kanyang butihing may-bahay na si Cynthia. Binubusog na niya ang sarili niya ngayon pa lang bago siya pumasok sa trabaho.

Sobra-sobrang pressure na kasi ang ibinibigay sa kanya ng kasong kasalukuyang hawak. Tipong hindi na siya nakakakain ng matino ng tanghalian, merienda at hapunan para lamang malaman na kung sino ba talaga si Triple-face Killer.

“Balita ko, sinugod ka raw kahapon ng kamag-anak ng biktima dun sa kasong hawak mo? Totoo ba yun, Dante?”

“Sino namang nagsabi sayo, Hon?”

“Yung katrabaho mong si Rey.”

“Chismoso talaga ang isang yun.”

“Nag-aalala lang siya sayo, Dante. Ano ba kasing nangyari?”

“Tatay yun ni Miggs. At hindi naman din talaga niya ako sinugod.” Sagot nito saka humigop sa kanyang mainit na kape. Nabakas ang pait sa mukha nito hindi dahil sa timpla ng kape kundi dahil sa problemang idinudulot ng kasong hindi pa niya matapos-tapos na ayusin. “May mga matitinding kapit din kasi ang pamilya nila. Namimilit na bigyan namin sila ng bagong balita. Nagmamadali na may managot na sa krimen.”

Ramdam ni Cynthia ang bigat na pasan ng kanyang asawa at wala itong magawa kundi ang palakasin ang loob ng asawa. “Wag kang mag-alala, Hon. Alam kong kayang-kaya mo yang kaso na yan. Mahuhuli mo rin yung taong hinahanap mo.”

Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang mag-ring ang telepono. Si Cynthia ang tumayo at lumapit para sagutin ito. “Hello? Oh ikaw pala! Kamusta na?”

“Hon, sino yan?”

“Si Kiko lang!”

“Ano raw balita? Bakit ang aga pa tumawag niyan?” Napailing na tanong ni Dante. Si Kiko ay ang nakatatanda niyang kapatid.

Ibinigay na ni Cynthia ang telepono kay Dante para silang magkapatid na ang mag-usap.

Noong una ay masaya pa ang pagbati na ginawa ni Dante, ngunit kinalaunan ay nagbago ito. “Ano yun, Kiko? Ano kamong nangyari sa pamangkin kong si Eunice?” Kinutuban na ng masama ang detective lalo pa at labis ang panginginig sa boses ni Kiko sa kabilang linya. “Teka nga… huminahon ka. Hindi ka pa nasanay sa anak mong yan. Baka kaibigan lang niya yun…”

Si Cynthia na nakikinig lang ay nagsimula na ring kabahan dahil unti-unti na niyang nakikita ang bumabalot na takot sa mukha ni Dante. “Dante, ano raw nangyari kay Eunice?”

Imbes naman na sagutin, sinenyasan siya ni Dante na kumuha ng papel at panulat. “Hello, Kiko! Ano ba, huminahon ka nga! Ibigay mo saakin ang address. WineLine Bar, sa North-East Avenue. Okay sige, didirecho na ako dyan.”

Psycho's Love Interest ✔Where stories live. Discover now