CHAPTER 45: Seobaby!! <3

22 0 0
                                    

Gerald's POV

 "Ano bang gagawin mo sa mga librong to? Ang dami eh." tanong ko kay Seo. Andito kasi kami ngayon sa library at wala na akong matulugan dahil ang daming libro na nakapatong sa table!!

 "Babasahin ko malamang." sabi nya pagkaupo nya at linagay uli sa table ung another set of books.

 "Seriously??? Lahat yan babasahin mo??"

 "Oo. Ilalagay ko ba yan jan lahat kung di ko rin naman babasahin??" ang pilosopo din nitong isang ito.

 "Eh malay ko ba kung ididisplay mo lang yan sa harap ko para wala akong matulugan."

 "Library to Gerald hindi tulugan."

 "Pero best place to para sa mga taong inaantok at gustong matulog."

 "Haizt. Eh di matulog ka kung kaya mo." sabi nya sabay kuha ng isang libro at nagstart nang magbasa.

 "Ano yang binabasa mo?"

 "Can't you read the title of the book?" she said without even looking at me.

 "Yeah whatever." inayos ko na lang ung mga libro para makatulog ako. Hehe.

 "What do you think you're doing Mr. Go?" tanong ni Seo nung uub-ob na sana ako.

 "Can't you state the obvious?" sabi ko at akma na sanang tutulog ng..

*BOOOOGSSSHH!!*

 "OUCH!! WHAT WAS THAT FOR??!!" hampasin daw ba ako ng libro? Encyclopedia pa man din!

 "Hindi sinabi to tulugan!"

 "Eh bakit mo nga ako hinampas??!!"

 "Para nga matauhan ka na di nga ito tulugan!!" napakamot na lang ako sa ulo. Ang sakit ng hampas eh. May pagkasadista din itong isang ito ee. Mana sa pagmamanahan!

 "Eh ikaw na nga tong nagsabi kanina na matulog ako kung kaya ko kaya ako natutulog kasi kaya ko!"

 "Whatever you say Gerald." walang gana nyang sabi.

 "Psh." ayan tuloy! Nawala tuloy antok ko! Kaasar. Ang sakit talaga ng hampas nito. Grabe.

 Patuloy lang sya sa pagbabasa at ako naman, patuloy na dinadamdam ang sakit ng ulo ko. Humanda ka saken Seo. Aasarin kita. Bwahaha!

 "Oi."

 "*tuloy pa din sa pagbabasa*"

 "Oi."

 "Wag ka nga jang magulo Gerald! Nagbabasa ako dito eh!"

 "Aba..kasalanan mo din naman eh. Kung hinayaan mo sana akong matulog eh di sana hindi kita kinukulit ngayon."

 "Ah ganun? So ibig sabihin kasalanan ko pa din yang walang hanggang kakulitan mo?"

 "Pwede na din."

 "Awan sayo." at nagpatuloy uli sya sa pagbabasa. Hmmm..

 "Weird princess."

 "…"

 "Oi loner."

 "…"

 "Seobaby." bigla nyang binaba ang libro nya at..

 "SEOBABY??!!"

 "Wag ka maingay. Maaantala ang pagtulog ng mga estudyante dito oh. Look." at tinuro ko sakanya ung mga natutulog na estudyante.

 "Yeah whatever. Don't call me Se--"

 "Seobaby?? Ang cute kaya!" ano ka ngayon? Maasar ka Kim Seo! >:D

 "Ampanget!!"

 "Eh anong gusto mo? SeoBABE??"

 "Yuuucckk!! Magtigil ka nga jan Gerald Go!"

 "Aminin mo kasi na kinikilig ka saken tuwing tinatawag kitang Seobaby. Ayaw mo lang ipahalata."

 "Sayo?? Kinikilig?? In your dreams!!"

 "Haha. Seobaby, wag kang ganyan. Nasasaktan ako." sabi ko sabay acting na nasasaktan ako. Ahihi.

 "Aaarrgghh. Matulog ka na nga lang jan!!"

 "Yun oh!! Thank you Seobaby!!" sabi ko sabay natulog na. Bwahaha! I won!! >:D

FACT: SEOBABY- kinaaasaran na nickname ni Seo. Wahaha!

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon