CHAPTER 6: Once Again

39 0 0
                                    

Yhanna's POV
  "Oh? San tayo kakain ng dinner? Wala tayong stock dito oh." sabi ni Shiyah habang binubuksan buksan yung cabinets sa kitchen.

 "Kain na lang tayo sa labas..treat ko. ^__^" nagulat naman kami sa sinabi ni Yul.

 "Ha?" -Ako

"Ano daw?" -Yoobin

"Totoo ba ung narinig ko?" -Yuri

 "Bakit? Ayaw nyo? Minsan na nga lang ako manlibre ayaw nyo pa."

 "Ay sige, tara na!" sabi ni Yuu Anne na kasalukuyang palabas na ng bahay.

 "Tamo yan, basta pagkain di uurungan eh." -Seo

-----

 "Pano ba yan? 7 seats lang ang available?" sabi ni Yuri habang nakatingin dun sa table where in 7 seats nga lang talaga.

"Eh di share na lang sa upuan kung sino man yung 2." suggest ko.

"Oh no no no." sabi ni Yul. "Poseyo. (Poseyo = Look) *turo dun sa isang table na may kumakain na lalaki pero may vacant seat* Yung isa, dun na lang umupo and napagdesisyunan ko na si Yuu Anne dun, right Yuu Anne?" sabi ni Yul na kasalukuyang nakaevil smile kay Yuu Anne.

 "MWO? (Mwo = What) ANIYO! (Aniyo = No)" sigaw ni Yuu Anne. "Ganto na lang, imomove ko na lang yung chair dito."

 "Adik ka! *batok kay Yuu Anne* Ang layo nung chair oh! Para kang tanga kung imomove mo yung chair dito." sabi ni Yul.

"EEEEEEEEEEHHHHH!!!!!!!!!"

 "Besides, yung kumakain dun sa table na yun na makakashare mo is yung dreamboy mo."

"Weh?"

"EH DI WAG! TINGNAN MO KASING MABUTI!" ayan na nga, sumigaw na ang sadista.

 Tiningnan nga ni Yuu Anne yung table at nanlaki bigla yung mata nya.

 "Sya nga 'no."

"Go ahead. Kumain ka na dun at kakain na din kami." sabi ni Yul sabay upo.

 "Ahihihi..sige, byiiiiiieeee!!!!!" paalam ni Yuu Anne sa amin tapos pumunta na nga dun.

Well, gwapo rin yung lalaki, mukhang vegetarian. Veggie salad yung kinakain eh. Medyo macho rin naman, haha! Di sila bagay, patpat si Yuu Anne eh, haha!

Yuu Anne' POV
Ayan nga po, once again, nakita ko na naman itong nilalang na toh. Destiny nga ata kami, hihihi.

 "Hello, pwede makishare ng table?" tanong ko sa kanya kaya napatingin naman sya sa akin.

 "Oh Yuu Anne ikaw pala. Sure." he smiled at me kaya I smiled back. Inilapag ko na sa table yung pagkain ko and umupo na rin. "Madami ka palang kumain?"

"Ah hehe..oo."

"Hindi halata sayo, ang payatot mo eh." ouch naman. Kelangan ba talaga nyang sabihin sa akin na payatot ako? T^T

"Ah..hehe..payatot naman talaga ako kahit malakas ako kumain."

 "Ganun.. *something rings* wait lang may natawag.. *kuha ng phone* *answer* Hello?..Oh bakit naman ikaw napatawag?..Ah..Andito ako ngayon sa restaurant namin.." restaurant NAMIN? So it means, kanila ito? Woah, sige Yuu Anne, pagpatuloy mo lang kachismosahan mo. "Pupunta pa kayo dito?..Wag na..Oo papasok na ako bukas, pinaasikaso lang si Daddy sa akin eh..Oo na..Ge bye." binaba na nya yung phone nya at linagay na uli sa bulsa ng pants nya. "Ang kulit talaga nyan ni Gerald. Tsk." GERALD???

 "Gerald? Anong ugali nun?"

"Bakit?"

 "Wala lang. Hehe."

"Ganun? Bully yun eh tapos super kulit at ang ingay sa klase."

"Kakilala mo pala yung makulit na yun?"

"Ha?"

"Kaklase ko kasi sya."

 "Kung kaklase mo sya so it means, kaklase mo din ako."

"Talaga? Tamo nga naman oh." destiny talaga kami nakupu oh. Thank you thank you!

 "Haha! Good thing may kakilala na agad akong new classmate bukod sa mga kaibigan ko."

 "Haha! Oo nga, uhm gusto mo pakilala kita sa friends ko, kasama ko rin sila ngayon eh, classmates mo rin sila."

"Yeah sure, pagkatapos nating kumain."

-----

"Introduce yourselves." sabi ko sa S8. Nasa labas na kami ng restaurant ngayon at nakahanay ang S8 in front of Steven and me.

 "Hello! I'm Byun Nami! ^___^" energetic na pakilala ni Nami.

 "Ako naman si Kim Seo." then nagsmile sya ng konti.

 "I'm Oh Shiyah." then nagwave sya.

 "Ako si Yoobin Wu. Hehe." muntanga sya nyan nung nagpakilala sya.

"Yhanna is my name. ^___^"

"Hello I'm Kim Yuri..and I'm single." nagulat naman ako dun sa dinugtong ni Yuri tapos itong si Steven, tumawa lang kaya pinanlakihan ko ng mata itong si Yuri, may balak pa atang paglaruan ang Steven ko. Haha!

"I'm Park Yul. Alam mo ba, yan si Yuu Anne, lagi na yang tulala since nung makita k--" bago pa nya maituloy ang sasabihin nya ay tinakpan ko na agad ang bibig nya, alam ko na na merong maitim na plano na naman yan.

 "Haha! Diba ikaw yung kasama ni Yuu Anne nung mabangga yung kotse nyo sa poste?"

 "Oh yes, kaya ko nga pala pinaandar yun eh kasi nga si Yuu Anne, nainlove na agad sa--"

 "Oo sya nga yung kasama ko nun, yan yung supladang tinarayan ka. Sorry na rin." pinutol ko na agad yung sasabihin ni Yul, pagka nga naman eto ang dumaldal, wala syang pakielam basta mabuking ka lang nya sa crush mo. =____=

 "Ayos lang yun, sanay na naman ako eh. Haha!"

"Hehe."

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon