CHAPTER 4: Crazy Things

49 0 0
                                    

Yuri's POV
 LABASAN NA WOOHOO! NAKASURVIVE SA FIRST DAY! Wait, asan kaya si Mr. Simple? Umalis na ata. How sad.

Well andito kami ngayon sa parking lot.

"Anong nangyayari sa mundo?" wala sa sariling tanong ni Seo.

 "Bakit?" nagtatakang tanong ni Yul.

 "Look, si Nami, mukhang nalugi, si Yuu Anne parang pinagsakluban ng langit at lupa, si Shiyah, parang bulkan na malapit nang pumutok tapos ito namang si Yuri, masyadong nakapout na parang naiinis. Ano na?"

 "May mga problema sila wag kang magulo." natatawang sabi ni Yoobin.

 "Girls, I have to go na." paalam ni Nami.

 "San ka naman pupunta?" -Yhanna

 "Sikretong malupet, oh sya! Byiiiieeeeeeeeeeeeee!!!!" at ayun, tumakbo na sya papunta sa kotse nya tapos sumakay and umalis na.

 "So? Anong eksena natin? Siksikan tayo sa kotse ni Yul at Yuu Anne?" tanong ni Yoobin.

 "Ganto na lang, since 7 tayo, 3 sa car ko and 4 sa car ni Yuu Anne." suggest ni Yul.

 "Bakit tatlo lang sayo?" -Yuu Anne

 "It's because ayoko nang masikip. Nahihirapan akong huminga."

"Arte eh. Oh sya, sino sa car ko?" at ayun sa car ni Yuu Anne, ako, si Yoobin at Yhanna while kay Yul sina Seo at Shiyah so ayun, umuwi na agad kami. Kapagod kaya!

Yhanna's POV
 "NAKAKAINIP! WALA NA AKONG MAGAWA!" pagmamaktol ni Yuu Anne habang nakahiga sa sofa.

 Ganto kasi yan, tama naman sya, nakakainip talaga. Ganto lang ginagawa namin:

-Si Seo, nagseselca na super pacute.

-Si Shiyah, nakatingin sa salamin, pinagmamasdan yung pasa nya sa mukha.

-Si Yoobin, nakaupo lang dun sa sulok, di ko alam kung anong ginagawa nya dun.

-Si Yul, nakaheadset tapos tulala, nababaliw na ata.

-Si Yuri, naglalaptop pero di rin makaconnect sa WiFi namin, mahina signal ngayon eh.

-Si Yuu Anne, nagmamaktol sa sofa na parang tanga.

-Si Ako, nagsasalita mag-isa dito sa kusina.

-Si Nami, wala pa. Gabi na nga eh, 8pm na wala pa rin.

 "Ganto na lang, how about making our own video?" suggest ni Yoobin.

 "Paexplain. Slow.com ako." -Yuu Anne

"Ivivideo mo sarili mo and ikaw bahala kung anong gagawin mo sa video, kung kakanta ka ba o tutula o sasayaw o mag-aacting or magkwekwento ng iyong talambuhay."

 "Ah."

"Agree ba kayong lahat?"

 "GAME!" sabay-sabay naming sabi.

Umakyat na ako sa room ko and nag-isip ng gagawin. Hmmm...ah alam ko na, mga tips para di mahirapan sa iyong buhay! Tama nga! Yun na lang.

Yuu Anne's POV
  Anong gagawin ko kaya? Hmmm..since magaling naman ako magluto, cooking lesson na lang gagawin ko. Ano naman kayang lulutuin ko? Isip isip isip. Ah alam ko na, how to make a pizza na lang saken, wait, asan ang ingredients?

Hanap..

Hanap..

Bukas ng cabinet..

Whaaa!

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon