CHAPTER 11: YhannJex Love Team!

42 0 0
                                    

Yhanna's POV
 "Grabe yung lalaking yun! Ang kapal ng mukha! Mapapatay ko talaga yun!" galit na galit na sabi ni Yuri.

 "Oo nga, pagtulung-tulungan na natin!" suggest ko sa kanila habang naglalakad papunta sa room.

 "Sige agree ako dyan!" pagsang-ayon ni Yoobin.

 "No need. I'll take care of it. Puntahan nyo na si Shiyah sa room, mag-isa lang sya dun." napatulala kami dun sa nagsalita. Yeah. Si Janrei yun.

Umalis na sya and dali-dali na kaming pumunta sa room. Andun nga si Shiyah. Tinabihan namin sya.

 "Ya Shiyah! Can you believe it? Si Janrei sya na daw b--" di na natuloy yung sasabihin ni Yuu Anne kasi nagsalita na si Shiyah.

 "Oo alam ko. I really can't believe it nga ee."

 "Sweet naman pala si Janrei at concern naman pala sya kahit papano." sabi ko sa kanila.

 "Lahat naman ata ng members ng CH ay may tinatagong sweetness eh." sabi ni Yuri na medyo kumikiri na naman.

 "Tumigil ka nga dyan! Tigil-tigilan mo nga yang kakirihan mo! Di kaya sila sweet!" angal naman ni Yul.

 "Tinatago nila siguro pero sweet naman sayo si Calvin ah? Di mo lang talaga pinapansin." -Ako

 "Ah basta!" nag-usap usap lang kami hanggang sa matapos ang lunch break bale 2 subjects lang kami ngayon sa hapon and guess what? Wala ang buong CH sa first subject ng hapon, nagcutting ata.

Natapos na ang subject namin na napakaboring at lalo pang naging boring kasi 10 lang kami sa klase, adik noh? 20 lang kasi kami tapos wala ang CH eh di 12 na lang? Tapos nabawasan pa ng dalwa kasi absent yung 2 naming classmate na magsyota ata kaya ayun, 10 lang kaming natira.

Maagang nagdismiss yung 1st subj. namin sa hapon kaya 30 minutes pa kaming nag-intay para sa 2nd subject and itong S8, natulog na lang. Actually di naman lahat natulog, sina Nami, Yul, Yoobin at Yuri lang natulog, ako kasi nagdradrawing tapos si Yuu Anne, ayun, kumakain, si Shiyah naman, tulala, di makaget-over dun sa sinabi sa kanya ni Janrei.

 Nabulabog ang aming ginagawa nang biglang umingay sa room and dumating na pala ang CH. Pero teka...

BAKIT MAY MGA PASA?!

Umupo na si Jexther sa kanyang upuan na katapat ko. Ay naku, naiintriga talaga ako! Matanong ko nga.

 "Pssssttt." tawag ko sa kanya kaya napalingon naman sya.

"Bakit?"

 "Uhm..bakit kayo lahat may pasa? Anyare?"

 "Ah yun ba?" ngumiti muna sya. Aww..gwapo naman pala 'to eh pag nakangiti. "May rinesbakan kasi kami."

 "Ha?"

"We just found out yung nangyari kay Shiyah and yang si Janrei, masyadong concern kaya ayun, nakipag-away kami. Akala kasi namin mag-isa lang yung rapist yun pala, may mga kasama rin, takot ata mabugbog." rapist talaga? Sagwa ng term. Haha!

"Buti naman nakapunta pa kayo dito ng buhay."

"Syempre, kami pa? Eh sanay na naman kami sa ganyan."

 "Eh? Eh bakit parang si Janrei lang ata ang nakikipagsuntukan?"

"Eh kasi nga, masyado nyang mahal ang pakikipagsuntukan kaya inaaraw-araw nya, yung the rest, nakikipagsuntukan lang pag kelangan."

 "Ganun? Pero thank you ah? Masyado kayong concern sa kaibigan namin."

 "Syempre. Babae yan na dapat ginagalang." awww..how nice naman.

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon