CHAPTER 19: Kapag Tumibok Ang Puso

48 0 0
  • Dedicated kay Yoobin Kim
                                    

Yoobin's POV
Kaasar naman oh. Lahat ng member ng S8 may kapartner, ako lang wala. Ay mali pala, si Yul pala wala rin.

Kasama ko naman si Axle ngayon kaso para lang akong may kasamang patay kasi di man lang ako iniimikan nitong gwapong nilalang na 'to. Nagsusungit na naman pati. May period ata ngayon.

Natapos ang hang-out namin nang di ko man lang nakausap o nakabonding man lang so Axle nang matino. Putek na yan oh!

"Anyare sa mukha mo?" tanong sa akin ni Nami pagkauwi namin sa bahay.

"Hula ko gawa na naman yan kay Axle." sabi ni Yul.

"Pano mo nalaman?" sabi ko.

"Tungaw ka ba? Eh kanina pa kayo di nagpapansinan eh. Oh well scratch that. Sya lang pala ang di namamansin. Wahaha! Wawa ka naman." kahit kelan talaga. Ang bully nitong babaeng ito. Ang sarap ding iumpog sa pader pag minsan. Kahit konting moral support di pa maibigay.

"Ano kaya, gawa kaya tayo ng way para mapamsin ni Axle kahit kauntian lang si Yoobin." suggest ni Yhanna.

"Pano naman natin yun gagawin?" -Yuri

"Gawa tayo ng intermission number para bukas sa pangunguna ni Yoobin divaaah?"

"Ano namang intermission number?" -Yuu Anne

"Sasayaw tayo. Kakanta naman si Yoobin pero Mas maganda kung sasayaw ka na rin Yoobin. Para masaya! Kakantahin mo yung 'kapag tumibok ang puso' na song oh di ba bonggaaa?"

"You're so brilliant talaga Yhannaaaa! Ilabyu na talagaaa!" sabi ko kay Yhanna ay yinakap ko na sya.

Axle's POV
Papasok na ako ngayon sa classroom. Kasabay ko 'tong mga kumag na 'to in short, naglalakad kami ngayon sa corridor.

Nung nandun na kami sa bandang malapit sa classroom, may nagkukumpulan na mga students.

"Padaan nga." sabi ko dun sa mga estudyante kaya nagsitabihan naman sila at nang makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila...

O____O

(NP: Kapag Tumibok Ang Puso)

Si Yoobin at ang S8 may ginagawa na namang katangahan.

Nagsimula nang magsayaw ang S8 while so Yoobin naman nagsimula nang kantahin ung kanta. Naiimagine nyo ba kung gano kalakas ang trip nitong mga babaeng ito especially si Yoobin?

"Kapag tumibok ang puso.

Wala ka nang magagawa kundi sundin ito.

Kapag tumibok ang puso.

Lagot ka na.

Siguradong huli kaaaa." nagulat ako sa susunod na ginawa nya.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako." sinubukan kong alisin yung kamay ko sa kamay nya kaso amazona pala 'to, wala lang sa itsura nya.

Linagay nya ako sa gitna at pinaikutan nila ako at nang matapos ang kanta...

"Axle..."

"ANO?!" irita kong tanong sa kanya.

"AXLE CRUSH NA CRUSH KITAAAAAA!!!"

O______O

"WOAAAH. Axle haba ng hair mo pagupit naaa!" sigaw ni Gerald sa likuran.

"Gwapo mo Axle. Idoool!" sigaw ni Calvin.

"Tabi nga dyan. Lakas tama ka eh." pagkatapos nun, umalis na ako at pumasok sa room. Hibang na ba talaga yang babaeng yan! Crush daw ako? Psh.

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon