CHAPTER 7: Campus Heartthrobs

45 1 0
                                    

Calvin's POV
 "Sa wakas, pumasok na ang walang sawang mag-gym na lalaki." bungad ni Gerald kay Steven na ngayon nga lang pumasok.

 "Awan sayo." umupo naman si Steven sa tabi ko. "Musta dude?"

"Eto, machicks pa rin." sabi ko sabay nagpogi sign pa.

  "Machicks nga, nasuntok naman ng babae." sinamaan ko naman ng tingin yung nagsalita at yun ay si Janrei.

 "Tumigil ka nga dyan Janrei kung ayaw mong upakan kita nang wala sa oras." banta ko sa kanya.

"Sige tara sa labas. Game ako dyan."

 "Oh tama na yan pero wait. Woah pre, nasuntok ka ng babae? For the first time? Sino?" yes, tama nabasa nyo, first time akong masuntok ng babae. Ang ineexpect ko kasi kay Yul, sampal lang ang ibibigay nya sa akin or magugustuhan pa nya yung ginawa ko sa kanya eh hindi eh, ang saklap ng nangyari sa akin.

"Yung classmate nating babae, di mo pa yun kilala."

 "Ano bang pangalan?"

 "Yul."

"Yun? Haha! Kilala ko na yun. Ang taray nga nun nung una ko syang nakilala eh pero she seems nice naman."

 "Di nga? Kelan mo pa sya nakilala dude?"

"Nung bakasyon."

 "Pano mo sya nakilala?"

 "Kabababa ko lang kasi ng kotse ko nun tapos may bumunggo na kotse sa may poste so linapitan ko and ang nagdradrive ay sya tapos kasama nya yung isa nyang kaibigan tapos ayun, sabi ko dadalhin ko na sila sa ospital tapos sabi nya wag na tapos sabi ko bakit tapos sabi nya sa akin it's none of my business tapos ayun, pinaandar na nya nang mabilis yung sasakyan nya."

 "Ganun? Ang taray taray talaga nung babaeng yun. Sayang ang ganda pa man din, balak kong isama sa collection ko."

 "Collection? Si Yul? Eh malayo sa katotohanan yang iniisip mo eh." sabi ni Jexther.

 "Palibhasa kasi di ka gumagawa ng paraan kaya lahat sayo, malabo."

 "Asus. Mahirap na ngang gawan ng paraan yan lalo na't iba ang ugali nyang si Yul."

 "Ah basta."

Ang ganda naman kasi talaga nya, ideal girl ko nga eh. Oy! Kahit naman playboy ako, may ideal girl pa rin naman ako at yun nga ay ang itsura ni Yul. Mahaba ang buhok na straight, chinita, super puti, matangkad pero syempre mas matangkad pa rin ako, matangos ang ilong, payat sya pero litaw pa rin yung kasexyhan ng katawan nya at higit sa lahat, kissable lips! Ang sarap ngang halikan eh! Hahaha.

"Oy! Mukha mo dyan Calvin, nakakaloko na naman, parang nagnanasa ka na naman dyan na ewan ah! Haha!" napatingin naman bigla ako kay Mark.

"Pano mo naman nalaman?"

 "Syempre, matalino ako eh."

"Matalino daw."

"Matalino nga ah. Pangita naman eh."

 "Di naman halata sa itsura. Mukha ka nga dyang ewan! Pagupitan mo na nga yang buhok mo! Mahaba-haba na rin eh."

"Alam mo Calvin, okay lang naman pag minsan na umaming insecure ka sa akin. Promise, tanggap kita! At tsaka, that's the style! Haha! Bagay naman sa akin kasi di naman masyado mahaba ang buhok ko."

"Mukha mo! Ang haba na kaya."

"Hindi kaya."

 "Oo kaya."

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon