CHAPTER 24: I'm Sorry

38 0 0
                                    

Yul's POV
Nagwalk-out ako. Oo. Nakakaasar eh. Malamang sa malamang naiinis kayo sa akin eh anong magagawa nyo? Nasasaktan ako.

Lumabas ako ng campus and alam kong sinusundan ako ni Vin. Kahit kelan talaga do ako tinatantanan nitong lalaking ito.

"YUL!!!"

"YUL TEKA LANG!!!"

"YUL NAMAN!!!" hanggang sa hinigit nya ung braso ko.

"Bitawan mo nga ako!"

Imbes na pakinggan ako ay hinigit nya ako papunta sa kotse nya.

Pumunta kami sa kung saan and dinala nya ako sa...

TABING DAGAT?!

Don't tell me gagantihan nya ako and lulunurin nya ako?!

"ANO BANG PUMASOK SA UTAK MO AT DINALA MO AKO DITO HA?!"

"Yul, hanggang kelan ka ba magiging ganto?" naguluhan naman ako dun sa tanong nya.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan ha?"

"Yul, iiyak mo lang yan."

"A-ano ba?!" bigla syang lumapit sa akin at yinakap ako.

"Tell me. I'm willing to hear all the pain that you're feeling right now." tinulak ko naman sya.

"Vin, ano bang sinasabi mo dyan?"

"About what happened 4 years ago..."

I stopped for a while nang marinig ko ang sinabi nya.

A-alam nya?

At dahil dun, bigla kong naalala lahat, everything that happened 4 years ago, na hanggang ngayon ay pilit ko pa ring kinakalimutan.

Calvin's POV
She looked so surprised sa sinabi ko pero bigla syang tumingin sa malayo.

"Un ba? Well then, I'll tell you a story."

Umupo sya sa buhangin kaya lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Go ahead."

"Once upon a time..."

Napakunot naman ang noo ko dun kaya tumingin ako sa kanya. Ang seryoso na namin dito oh tapos bigla nyang babanatan ng 'once upon a time'?

"Sira ka ba? Fairytale ba yang ikwekwento mo?"

Imbes na pansinin nya ako, pinagpatuloy lang nya ung sinasabi nya. Sabi ko nga, kumbaga, seenzoned ako kung nagchachat kami, ung sa kanya, dedmazoned.

"In a far away land, may isang princess. Everyone loves her. She's perfect kasi ang ugali nya maganda, then may nakilala sya. Prince charming nya. Nainlove agad sya and then, linigawan sya ni prince charming but sa huli di sila nagkatuluyan."

"T-teka, ano ba yang kwinekwento mo??" ibang klase rin kasi magkwento eh. Kakaiba.

"Kakaiba sya di ba? Linoko kasi sya ni prince charming nya at ito pa ang masaya, yung princess na un...ako un." napatingin ako bigla sa kanya. Ngumiti sya sa akin pero alam kong may halong lungkot sa ngiting un. "I was used Vin."

"What do you mean?" and there it is, first time kong makita si Yul na umiiyak.

"Alam mo kung bakit ako galit sayo? Katulad mo kasi sya! Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo kasi ginawa rin nya yan sa akin dati! Ikaw ang napagbubuhusan ko ng galit kasi nasasaktan ako! Hindi ko matanggap na ginamit lang nya ako! Hindi ko matanggap na linigawan lang nya ako para mapalapit sya sa pinsan ko! Ang s-sakit Vin...b-bakit kayo g-ganyan? Bakit wala k-kayong pakielam sa nararamdaman ng iba? B-bakit..."

"Ssshh..." pinahid ko ung luha nya at yinakap ulit sya.

"Vin, I'm sorry. I'm very very sorry. I'm sorry kung lagi kitang nasasaktan dahil kay Jonathan. Mianhae...mianhaeyo...neomu mianhae."

(Mianhaeyo = I'm sorry)

(Neomu mianhae = I'm very sorry)

"It's okay. Minsan ako rin naman ang may kasalanan kaya ka nagagalit eh. Masyado akong makulit. Sayo lang naman ako naghabol ng ganto. I'm sorry din sa kakulitan ko. Nagagawa ko lang naman un kasi mahal na kita."

Yul's POV
"Nagagawa ko lang naman un kasi mahal na kita." napabitaw bigla ako kay Vin nang marinig ko un. M-mahal nya ako?

"A-anong...b-bakit..."

"Hahaha. Masyado ata akong nagmadali. Pero Yul, totoo un. Mahal kita at igigive up ko ang pagkaplayboy ko just to prove that you're the only one for me. Yul. Alam ko masyado akong nagmamadali and alam kong di ka pa nakakamove on."

"V-vin..."

"Yul, will you let me heal your broken heart?"

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon