CHAPTER 10: ShiJan Love Team!

45 0 0
  • Dedicated kay Gervie A. Cioco
                                    

Shiyah's POV
 Nagdradrive na ako pauwi ngayon and kasabay ko ay sina Yoobin na katabi ko ngayon, Yhanna and Seo.

 "Ang sweet nyo ni Gerald kanina ah. LQ pala ha?" pang-aasar ko kay Seo.

 "Oy! LQ ka dyan! Di naman kami 'Lovers' ah!"

 "Soon-to-be naman!" sabi ni Yhanna.

 "Che! Ako nga'y tigil-tigilan nyo!" tumawa na lang ako at nagdrive na. Wala namang ibang nangyari sa loob ng kotse ko kundi pang-aasar kay Seo nang malipat sa akin ang topic.

 "Buti naman Shiyah, di na masyado halata yang pasa mo. Hahaha!" dun sa sinabi ni Yoobin na yun, medyo naasar ako dahil naalala ko na naman yung incident na nasuntok ako ni Janrei.

 "Pano hindi mahahalata eh kung anu-ano na binili nyan para mawala yung pasa nya. Lukaret nga eh!" -Yhanna

 "Tumigil nga kayo dyan! Pinagtritripan nyo na naman ako!" bumusina na ako na signal na 'Pabukas ng gate' kasi nauna na sa amin sina Yuri and ayun, pinagbuksan na kami ng gate ni Yuri.

Pinark ko na yung kotse sa garahe namin and pumasok na kami sa bahay. Sina Yuu Anne at Yuri lang nasa bahay nung time na yun.

"Asan sina Yul?"

 "Nasa mall. Bumibili ng pagkain." sagot ni Yuri na kakahiga lang sa sofa.

 "Ah okay." sumunod kaya ako? Tama. Bibili ako ng chocolates. Namimiss ko na kumain nun eh. "Guys, alis lang ako."

"San ka naman pupunta aber?" tanong ni Yuu Anne.

"Susundan ko lang sina Yul."

 "Okay." lumabas na ako and pumunta na nga ng mall. Di pa pala ako nagpapalit ng damit. Hehe.

 Pumunta na agad ako sa supermarket and hinanap yung chocolates. Sa pagmamadali ko, may nabunggo akong lalaki.

 "Ay p*ta! Di tumitingin sa dinadaanan eh." napatingin naman ako dun sa nabunggo ko.

 "Janrei? Anong ginagawa mo dito?"

 "Eh ano pa bang ginagawa sa supermarket? Mag-isip ka nga."

"Sungit nito eh."

 "Psh. Tabi dyan." hmmm..sarap nitong pagtripan ah so hinarangan ko yung dadaanan nya.

 "Pano kung ayoko?"

 "Adik. Tabi nga dyan."

 "Pano nga kung ayoko?"

 "Tatabi ka ba o susuntukin kita?"

 "Ang sama mo talaga!"

 "Wala akong pakielam."

 "Kahit naman kelan wala kang pakielam eh. Nung nagkapasa nga ako wala kang pakielam."

 "Bakit naman ako magkakaroon ng pakielam eh hindi ko naman mukha yan?"

"Hindi mo nga 'to mukha pero ikaw naman ang dahilan kung bakit may pasa!"

 "Ang babaw mo. Parang yun lang."

 "Gosh. Hindi mo ba alam na ang mukha ko ang piinagkakaingat-ingatan ko ha?"

 "Hindi ko yun alam kaya tumabi ka na dyan bago pa kita masuntok uli!" tumabi na lang ako at pumunta na nga sa chocolate section. Hmmm..andun rin pala sina Yul?

 "Hello." bati ko sa kanila.

 "Ganda ng sigawan portion nyo ni Janrei ah." napatingin naman ako kay Nami..ibig sabihin kinig na kinig yun?

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon