CHAPTER 28- "HIS SIDE"

32.6K 891 18
                                    

Ang chapter po na ito ay naglalaman ng POV ni Clyd. Syempre gusto kong malaman nyo kung ano ba nasa isip nya.
Enjoy!

......

Aish! Hindi ko na talaga kayang itago ang nararamdaman ko kay Yuri. Oo na! Mahal ko nga sya! Kung kelan nagsimula? Well, matagal na, simula pagkabata. Naging magkaibigan kami noong 6 y/o pa lang kami. Actually, mas nauna ko syang maging kaibigan kaysa kayla Ashton. Pero bago pa man nya makilala ito, kinailangan na nilang lumipat sa ibang lugar nang hindi ko alam ang dahilan.

Years passed by and I thought I will not be able to see her again. Until that day came na dumating sya dito sa Academy. Pero may mali, hindi nya ako maalala. Kwento? Ayoko nga! Pero sige na nga! Ikukwento ko na!
Flashback....

Sinusundan ko si Dad ngayon. Narinig ko kasi ang usapan nila ni Headmaster. May susunduin daw syang estudyante ngayon. Nung narinig ko iyon, ewan ko ba, bigla akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Habang sinusundan ko si Dad, dito ako dumadaan sa itaas ng mga puno. Using my ability, sinisigurado ko na hindi ako gumagawa ng ingay. Knowing Dad, napakalakas ng pakiramdam nya.

Maya maya lang, huminto na si Dad sa tapat ng Mystic Gate. Ako naman, humanap ng magandang pwesto para magtago. Ilang minuto lang ang lumipas, biglang bumukas ang gate at may kinakausap si Dad. Di ko pa makita itsura nya kasi nasa labas pa sya. Ewan ko ba, yung puso ko feeling ko gusto ng lumabas sa pwesto nya.

Hindi nagtagal, pumasok na dinyung kausap ni Dad. Feeling ko, huminto ang oras, nag slow motion ang paligid, at kaming dalawa lang ang nandito. Me and her.

Hindi ko naiwasang titigan sya. Skin as white as snow, beautiful blue eyes, rosy cheeks, reddish lips without anything on it, long and straight brown hair. Matangkad din sya. Siguro hanggang balikat ko sya. Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako. Sino ba naman ang hindi? Nakita ko na ulit sya sa wakas! My Yuri...

Bawat galaw nila Dad, nakasunod ako. Grabe, napakaganda talaga ni Yuri. Naglalakad na sila sa loob ng gubat ng magulat ako kasi biglang tumingin si Yuri sa kanan nya. Sakto naman, dun din ako nagtatago. Akala ko talaga mahuhuli na ako, buti na lang talaga hindi nila ako nakita.

Dumiretso na sila sa office ni HM. Dito na lang ako sa labas ng school building naghintay. Mahirap na, baka mahuli nila ako. Maya maya lang, lumabas na sila sa office at dumiretso sa girls dormitory. Hindi ko na sya nasundan don. Bawal kasi eh.

"Clyd, alam kong kanina mo pa kami sinusundan." nagulat naman ako ng biglang magsalita si Dad. Kung ganon, alam pala nya. Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan. Part pa din ito ng school garden pero konti na lang ang mga estudyanteng tumatambay dito.

"Dad, yung kasama mo, si Yuri yon diba?"

"Oo, si Yuri nga." napangiti naman ako bigla.

"Bakit sya nandito? Dito na din ba sya mag aaral?"

"Oo Clyd at gusto kong protektahan mo si Yuri."

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya.

At ayun nga, kinwento ni Dad ang nangyari sa pamilya ni Yuri. Pinatay pala ang mga magulang nya at tinatarget din nila si Yuri.

"Bakit naman nila gustong patayin si Yuri?"

"Malalaman mo din sa tamang panahon.".......

Tumambay ako sa taas ng puno at iniisip ko lahat ng sinabi ni Dad. Hanggang sa may mapansin akong babaeng nakaupo sa may bench sa mismong ilalim ng punong tinatambayan ko. Pag sinuswerte ka nga naman! Kaya naman naisipan kong magpapansin sa kanya. Sinutsutan ko lang sya ng sinutsutan hanggang sa...

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon