CHAPTER 44- "TRAITOR"

25.7K 705 34
                                    

RIN's POV

"Hah! Iyan ang bagay sa inyo! Magdasal na kayong dalawa dahil bukas na bukas din, kikitilin na namin ang inyong buhay!"

"Damn! It hurts asshole!" reklamo ko matapos tumama ang aking likod sa semento dahil sa malakas na pagtulak sa akin ng lalaking ito papasok sa underground cell na ito.

"HAHAHAHA!!! Serves you right, moron!!!" wika pa niya bago tuluyang isara ang pinto ng selda at lisanin ang lugar na ito. Tanging kaming dalawa lang ni Ashton at ilang bantay sa di kalayuan ang naiwan dito. Pinunasan ko ang dugong nanggagaling sa gilid ng aking labi at padabog na naupo lamang sa isang tabi.

"Damn this fucking chains!" napatingin na lamang ako sa kanya na pilit na inaalis ang mga kadenang nasa kamay namin. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay bigo pa din sya kaya naman wala na syang nagawa kundi ang umupo sa aking tabi. Ngayon ko lamang napansin ang kalagayan naming dalawa. Puno kami ng mga pasa at sugat at halos mag kulay pula na din ang suot naming damit dahil sa mantsa ng aming dugo.

"You really can't remove that. The more you refuse, the more it will drain your energy."

Napabuntong hininga na lamang sya dahil sa aking sinabi. Kung wala lang sana ang mga kadenang ito na pumipigil sa aming kapangyarihan, malamang kanina pa kami nakalabas sa mala impyernong lugar na ito.

"So, it's the end for us, huh?" napalingon na lamang ako sa kanya at nakita ang mapait nyang ngiti. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Hanggang ngayon, paulit ulit nag p-play sa aking isip ang mga nangyari kanina. Kung gayon, totoo pala ang mga sinasabi nila Sir Cristoff tungkol kay Yuri. Kinalimutan na nga ba nya kami?

"Uumpisahan ko na ba ang pagdarasal? Ni hindi ko na ba makikita si Xena?" dugtong pa nya.

"Hahahaha!!! Loko ka talaga! Makakaalis tayo dito. Hindi tayo mamatay dito hangga't hindi pa ako sinasagot ni Akira."

Nagkatawanan na lamang kaming dalawa dahil sa mga kalokohan na aming naiisip. Buhay nga naman, mamamatay na nga kami, kung ano ano pa ang pumapasok sa mga utak namin.

"Pero, hindi pa din ako makapaniwala nang makita ko kanina si Yuri. Ni hindi ko man lang mabasa ang kahit kaunting recognition sa mga mata nya. Para syang ibang tao. Para syang.... robot."

"Yeah. Feeling ko nga, nakaharap ako kay kamatayan kanina. Pati yung kulay ng mata nya, nag iba na."

"Siguradong masasaktan si Clyd kapag nalaman nya ang nangyari kay Yuri."

Hindi lang si Clyd. Sigurado akong pati sila Akira ay ganun din ang mararamdaman. Para na nga silang magkakapatid kung magturingan.

"Palpak ang misyon natin. Nakakalungkot isipin na wala man lang tayong nagawa para maibalik sa dati si Yuri."

Wala nang nagsalita pagkatapos ko itong sabihin. At dala na din ng pagod at sakit ng katawan dulot ng pagkakabugbog sa amin, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala kami.

......

"Rin! Gising!" unti unti akong napamulat ng mata dahil sa lakas ng pagkakayugyog sa akin ni Ashton.

"Bakit ba?!" asik ko sa kanya dahil nagambala ang aking pagtulog. Ngunit sa halip na sagutin ako, sumenyas sya na huwag akong maingay at makinig sa aking paligid. Sinunod ko na lamang sya at nakadinig nga ako ng mga boses na nag uusap di kalayuan sa amin. Boses babae?

"Kayo po pala-"

"Papasukin nyo ako sa loob."

"Hindi po maaari. Mahigpit na bilin ni Master Dark na walang sinuman ang maaaring pumasok sa loob."

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon