CHAPTER 40- "SAYING GOODBYE"

34K 764 17
                                    

YURI's POV

New day, new life...

Sa lahat na yata ng gising na naranasan ko, ito na yata ang pinakamasama at itinuturing kong pinakamalalang bangungot.

Sunod sunod na pagsabog ang maririnig sa buong Academy na tuluyang nagpagising sa mga natutulog naming diwa sa kalagitnaan ng gabing ito. Kasunod din nito ang sari saring daing at nakaririnding hiyawan mula sa mga estudyante. Agad kaming napabangon at nagmamadaling lumabas ng girls dormitory upang tignan kung anong nangyayari.

Nababalot ng makapal na usok ang paligid at halos wala kaming makita. Ngunit sa kabila nito, ramdam na ramdam ko ang masamang presensya mula sa mga hindi inaasahang panauhin. Enemies are here. Shit lang! Kakatulog pa lang kaya namin!

"What the hell is happening?" bulalas ni Xena na mukhang hindi makapaniwala sa nangyayari.

"They're here...." pumikit ako sandali at pinakiramdaman ang paligid ngunit agad din akong napadilat ng matukoy kung saan nanggaling ang mga pagsabog.

"...Crap!!! Nasa left wing sila ng Academy! They were attacking the boys dormitory!!!" hindi na ako nakapaghintay pa at nauna na ako sa kanila. Using my ability, mas madali akong makakarating doon in just a second. That's the advantage of being a guardian. Mas marami kang magagawa na hindi kaya ng isang average ability user.

HELL! Why am I nervous? I should'nt feel this way but I can't help it. Pakiramdam ko, isang napakasamang tanawin ang maaabutan ko doon.

I should have trust my instinct. Halos magunaw ang mundo ko nang bumungad sa akin ang  kalagayan ng boys dorm partikular na sa isang lalaking nakaitim na may sakal sakal na isa pang lalaki. Bigla akong nakaramdam ng matinding galit ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking sakal nya. It's Clyd, for Pete's sake!

My body is shaking because of anger. It was like, something inside me wants to get out. I also didn't notice that I am already releasing an intense amount of fire. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Ni hindi ko na din makontrol ang aking kapangyarihan at nagiging pula na ang aking paningin. I am being consumed by anger now.

Isang bagay na lang ang nararamdaman ko ngayon. Lust. Lust to kill this devil who dared to hurt Clyd.

"You dared to hurt him! I will definitely make you taste the fear of dying!" dahan dahan syang lumingon sa gawi ko at ngumiti ng nakakaloko bago walang pakundangan na inihagis ang katawan ni Clyd sa malayo.

At iyon ang naging mitsa upang tuluyang mapatid ang pagtitimpi ko. Walang ano ano ay nakalapit na ako sa kanya at walang pakundangang sinakal sya ng napakahigpit na naging dahilan ng pag angat nya sa lupa. Mababasa sa mukha nya ang labis na pagkagulat dahil sa ginawa ko na iyon.

"Yuri!" narinig kong sigaw ni Lira ngunit hindi na ako nag abalang lingunin sya. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong patayin ang taong ito gamit ang aking mga kamay.

LIRA's POV

"Crap!!! Nasa left wing sila ng Academy! They were attacking the boys dormitory!!!" hindi ko pa naaabsorb ang sinabi ni Yuri ay nawala na sya sa paningin ko. Wait! Did she just said boys dorm?

"Xena, Akira! Mauuna na ako sa inyo but be ready! Hindi natin alam kung anong mangyayari ngayon!" tinanguan lang nila ako at nagmadali na akong umalis.

"Yuri! Wait for me!" sigaw ko sa kanya ngunit parang wala syang naririnig. Tuloy pa din sya sa pagtakbo habang nakasunod ako sa kanya.

Ilang sandali lang din ang lumipas at narating na namin ang pakay naming lugar. Unti unti nang nawawala ang usok kaya naman malaya ko nang nakikita ang paligid.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon