CHAPTER 12- "FIRST DAY"

37K 1.1K 96
                                    

AKIRA'S POV

Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon dito sa loob ng gubat. Yung bahay pala kasi nung matandang tinulungan namin, dito matatagpuan. Nalaman ko din na ito na pala yung Dark Forest na papasukin namin ni Yuri.

So far, so good. Mukhang mabilis naman naming matatapos ni Yuri ang misyon namin. Medyo creepy nga lang itong gubat na ito. Maraming nakakalat na barrier sa paligid. Marami ding kakaibang hayop at insekto akong nakikita sa paligid. Buti na lang hindi sila umaatake sa amin.

Si Yuri naman, mukhang malalim ang iniisip habang pasan nya si lola. Kanina ko pa nga yan napapansin eh. Simula nung may binulong sa kanya si lola, bigla na lang syang natahimik. Oo, nadinig ko yung sinabi sa kanya ni lola. Pilit ko lang yun na binabaliwala kahit na gustong gusto ko na iyong itanong kay Yuri.

Ang weird nga ng matandang yun. Ano kayang sikreto yung sinasabi nya? Si Yuri kasi, mukhang affected sa sinabi ni lola kaya hindi ko din maiwasang mapaisip.

Nauuna akong maglakad sa kanila kaya hindi ko makita kung ano na ang ginagawa nila. Maya maya lang, narinig ko na nag uusap ulit silang dalawa kaya naman napalingon ako sa kanila. Nakahinto lang silang dalawa habang nag uusap pa din kaya naman lumapit na ako sa kanila. Dahan dahan namang ibinaba ni Yuri si lola habang bahagya naman syang nakatungo.

"Mukhang wala na akong choice kung hindi sabihin sa inyo ang totoo. Akala ko pa naman hindi nyo iyon mapapansin. Akala ko magaling na akong magtago pero nagkamali ako." sabi sa amin ni Yuri.

"Teka Yuri, ano ba yang sinasabi mo? Naguguluhan na ako dito. Wag mong sabihin na totoo lahat ng sinasabi ni lola? Kanina ko pa kayo nadidinig na nag uusap. Ano ba talaga yang sikreto mo Yuri?" naguguluhan pa ding tanong ko.

Pero sa halip na sagutin kami ni Yuri, binigyan nya lang kami ng isang ngiti. Isang nakakatakot na ngiti...

YURI'S POV

"May kakaiba sa iyo Hija. May itinatago kang sikreto...."

Nagulat ako ng bigla na lang iyang sabihin sa akin ni lola. No way! Paano nya nalaman yun? Wala naman akong ibang taong sinabihan noon ah! Matagal ko na itong itinatago pero wala pa kahit isa ang nakatuklas sa sikreto ko. Magaling kaya akong magtago ng sikreto kaya walang nakakaalam nun. Pero ngayon, paano nangyari ito?

"A-ano po b-bang sinasabi n-nyo? W-wala akong sikreto ah!!!" bulong ko din sa kanya. Naku, wag naman sana kaming madinig ni Akira. Siguradong tatanungin ako nun!

"Sigurado ka ba Hija?"

"Opo n-naman... He-he-he-he."

Hindi na ako kumibo pagkatapos noon. Nang tignan ko naman si Akira, mukhang wala naman syang nadinig.

Maya maya lang, nakarating na kami sa loob ng gubat. Kung ganon, dito pala sa loob ng Dark Forest nakatira si lola. Mukhang mapapadali naman ang misyon namin ni Akira.

Pero kahit na anong paglilibang ang gawin ko sa sarili ko, hindi pa din mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni lola. Bukod sa mga magulang ko, sya pa lang ang nakakaalam ng sikreto ko.

"Hindi mo maitatago iyan ng habang buhay Hija, dapat siguro umamin ka na." sabi ulit nya sa akin.

Dapat ko na nga bang sabihin?

"Paano nyo po nalaman? Imposible kasi n-"

"Nakita kita kanina."

Natigilan ako bigla ng sabihin nya iyon. Kung ganon, wala na palang dahilan para itago ko pa ito. Dahan dahan ko nang ibinaba si lola. Si Akira naman, nakita kong lumapit sa amin kaya tumungo na lang ako.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon