CHAPTER 34- "A FRIEND'S FAREWELL"

30.4K 776 27
                                    

YURI's POV

"Matagal ka pa ba dyan, Lolo pops?!" sigaw ko sa kanya. Nasa 2nd floor kasi sya at kasalukuyang hinahanap yung libro nya na puno ng iba't ibang chants at spells na gagamitin daw namin para makausap ko si Justin.

"Sandali na lang! Hindi ko kasi maalala kung saan ko nailagay ang libro na iyon! Nakakahiya naman kasi sa isa dyan na sya naman talagang may kailangan noon." sigaw din nya sa akin.

Pano ba namang hindi makikita eh, punong puno ang bahay nya ng mga libro! Sarap tuloy sunugin eh! Pero syampre, joke lang yun. Baka mamaya hindi pa ako tulungan ng gurang na ito. Oo na! Ako na masama. Kahit kailan talaga hindi ko sya ginalang.

"Sige kaya mo yan! Matanda ka na! Push mo ya— ARAY! Grabe ka naman Lolo pops! Ikaw kaya batuhin ko ng libro dyan! Gurang ka tala- ARAY! Ano ba?! Nakakadalawa ka na ha! Pwede sa susunod wag naman sa ulo?!" reklamo ko sa kanya. Anshakeeet kaya noh! Di bale sana kung manipis lang yung libro. Ang kaso, ten times thicker ito than the normal book. Just imagine na hinagisan ka ng hollow block sa ulo. +_+

"Tsk! Hindi masamang gumamit ng po at opo Yuri." sabi nya sa akin habang nakadungaw sya mula sa 2nd floor.

"Oo na, oo na! Just continue what you're doing para matapos na tayo." sabi ko sa kanya habang kinakamot ang ulo ko. Tumalikod na sya sa akin at ganun din naman ako.

"Psh! Kelan pa sya naging teacher ng GMRC? Dami talagang alam ng gurang na ito." pabulong ko lang iyan na sinabi para hindi nya madinig. Pero, nagkamali ako dahil nadinig pala nya yun! Kaya naman, isang lumilipad na libro na naman ang natanggap ko.

"Hindi ako bingi bata! Kahit isang milya pa ang layo mo sa akin, maririnig pa din kita! Huwag ka kasing bumubulong kung nadidinig ko naman!"

"Grabe ka talaga sa akin noh! Pangatlo na yun ha!" (T3T) Tatahimik na nga ako! Feeling ko magkakaroon pa yata ako ng instant tumor dahil sa ginagawa nya. Tatlong patong na yata bukol ko sa ulo.

Nagikot ikot na lang muna ako dito sa loob ng bahay nya habang hinihintay si Lolo pops. Grabe sa kapal ng alikabok ah! Pwede ka nang makagawa ng sand castle.

"Ui, potion!" Ang dami pa din palang collection ng potion ni Lolo pops! Pero, errrr, gusto ko mang makialam, naaalala ko yung huling beses na nangialam ako ng potion. Ayoko na nang round two nun. Baka paguwi ko, kamukha ko na si Han. Pero sayang, isang cabinet pa naman ito.

Nilagpasan ko na lang yun at dumiretso naman sa mga collection ng iba't ibang weapon ni Lolo pops. Maraming sword ang nakadisplay dito at lahat ng ito ay hindi basta basta lang. Speaking of sword, from the day that I was awakened, naglaho ang sword ko. Ang sabi ni Headmaster, naging part na daw ito ng aking pagkatao. Meaning, I can summon it anytime na gustuhin ko.

Pabor sa akin yun para hindi na ako mahirapang magdala pero, ang hirap pa ding mag adjust lalo na at nakasanayan mo na. Lilipat na sana ulit ako ng pwesto ng may mapansin akong kakaibang dagger na naka display. Kinuha ko agad yun at hindi ko maiwasang....

"Shit! Ang ganda!" kasing liit lang ito ng kunai at may sariling case. Made of gold din ito kaya hindi mo talaga maiwasang humanga. Hindi naman siguro masama kung kunin ko ito noh. Oo nga! Akin na ito! Inilagay ko na ito sa bulsa ko para hindi na makita ni Lolo pops.

Ikot ikot ulit ako ng may makita naman akong grand piano sa may gilid. Dahil likas na mahilig sa musika, hindi na ako nagdalawang isip at pinuntahan naman iyon. Maayos naman ang lagay ng piano. Buo pa din ito kahit hindi ginagamit.

Tumayo na ako at aalis na sana ng may mapansin akong picture frame na nakataob sa ibabaw ng piano. Dala na din ng curiosity kaya hindi ko napigilan at tinignan ito.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon