Special Chapter

36.8K 735 36
                                    


Paalala:
Ito ay resulta lamang ng naisip kong kalokohan. Pwedeng basahin at pwede ding hinde. Pero please lang, MINSAN LANG AKO GUMAWA NG GANITO KAYA PAGBIGYAN NYO NA! Nyahahaha!!!

YURI's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na malayang tumatama sa aking mga mata mula sa nakabukas na bintana ng aking silid. Kasunod nito ay ang pag ihip ng malamig na hangin at ang sunod sunod na paghuni ng mga ibon.
Ito na marahil ang pinakamasarap kong gising sa lahat. Ilang ulit pa akong nag inat habang nananatiling nakapikit bago ako bumaling sa aking kanan para yakapin ang aking katabi. Ngunit agad din akong napabangon ng maramdamang tila nag iisa lang ako dito sa aking silid.

Awtomatikong nailibot ko ang aking tingin sa paligid at napansing parang may mali sa mga nangyayari. Masyadong elegante ang pagkakaayos ng aking silid pati na din ng mga kurtina at paintings na nakasabit sa dingding. Maging ang sahig ay nalalatagan ng makapal at napakagandang carpet.

Sa tingin ko pa nga ay parang lumawak yata ang espasyo nito at nadagdagan ang mga gamit namin. Sa isang sulok ay malaya kong nakikita ang isang antique na tukador na mayroong napakalaking salamin na may magandang wood carvings sa gilid nito.

Sa kabilang panig naman ay ang malaking walk-in closet habang sa tabi nito ay ang mataas na estante na punong puno ng makukulay at ibat ibang mga sapatos. Mayroon ding malaking book shelves na puno din ng makakapal na libro.

Habang sa tabi naman ng bintana matatagpuan ang isang study table na sa pagkaka alala ko ay parang ngayon ko lang nakita. Teka, bakit yata parang hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito? Wala naman akong naaalala na pinalitan namin ni Clyd ang mga gamit namin ah! At isa pa palang bagay, nasaan nga ba ang magaling kong asawa?!

Unconciously ay napalakad na lang ako palapit sa bintana habang iniisip kung may mali nga ba sa mga nangyayari o ano.

"Oh my God!" bulalas ko ng mapagmasdan ko ang paligid mula sa bintana. Nasaan na yung Academy?! Bakit hindi ko makita yung open field?! B-bakit wala na yung malaking fountain pati na din yung mga bleachers?!

Imbes kasi na makita ko ang mga ito, malawak na karagatan ang sumalubong sa akin. Noon ko lang din napansin na parang nasa mataas na lugar ako.

"Diyos ko po, ano po bang nangyayari?" patuloy kong bulong habang naglalakad pabalik sa aking kama ngunit agad din akong natigilan ng mapadaan ako sa tapat ng malaking salamin. Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang ako sa aking sariling repleksyon.

Sa sobrang pag iisip ko kanina ay hindi ko na namalayan na nakasuot pala ako ng wirdong damit. Yun bang damit na isinusuot ng mga maharlikang tao. O mas madaling sabihin na yun bang damit na nakikita ko lang sa mga fairytales. Hello! Anong taon na po ngayon? Hindi na kaya uso ang mga ganitong style ng damit noh!

Pero teka, fairytale? FAIRYTALE???!!! Parang slow motion na unti unti na lang akong napatingin sa ibabaw ng tukador partikular sa bagay na iyon na kumikinang kinang pa sa tuwing tatamaan ito ng sikat ng araw.

Isang tiara.

Mabilis akong napatakbo palapit sa closet at agad itong binuksan. Bukod sa mga naggagandahang gowns ay wala na akong ibang makita. Wala na yung mga pantalon at t-shirts ko na palagi kong isinusuot.

Sunod naman yung mga libro. Unang buklat ko pa lang ay gusto ko nang masuka. Information overload na ang utak ko! Wala man lang kahit isa akong naintindihan sa mga nakasulat dito. And at the same time ay gusto kong maglupasay dito at ngumawa ng ngumawa. Yung mga japanese manga ko na matagal kong kinolekta, lahat wala na!!!

Hindi ko alam kung may nantitrip lang ba sa akin o ano. Masyado yatang sumobra ang tulog ko at nagawa akong pagtripan nila Clyd. O baka naman parte lang ito ng panaginip ko? Hayy! I prefer the last one.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon