CHAPTER 47- "ALLIANCE"

25.9K 675 4
                                    

YURI's POV

Who would have thought na darating ang araw na kailangan kong kalabanin ang sarili ko? Sana, panag-inip na lang ang lahat ng ito.

Ilang beses ko nang sinubukan ang makabalik sa katawan ko pero sa huli, lagi lang akong bigo. I was about to loose hope nang mga oras na iyon but something happened.

"Ugh! Those two idiots! Sinabi ko nang huwag silang pupunta dito!" Shit lang! Bakit ba sila nandito? Bakit ngayon pa?

Kahit na nakakulong ako sa sarili kong katawan, malinaw ko pa ding nakikita kung ano ang nangyayari sa paligid ko. There are times na akala ko, makakalaya na ako dito pero hindi pa pala. My other side is trying her best to let the darkness completely devoured me.

"Yuri! Hindi mo ba kami nakikilala!"

"How can I forget you?!" sigaw ko kahit na alam kong hindi naman nila ako nadidinig. At kasabay din nito ay ang pagtulo ng aking luha.

"All this time, wala akong ibang inisip kundi kayo. Ang makabalik at makasama ko kayo." kung may magagawa lang sana ako para labanan ang sarili ko. Pero sa ngayon, ang pag iyak na lang yata ang pinakamadali kong magagawa.

"Si Xena at Akira?.... Si Alex at Lira?.... N-nakalimutan mo na din ba si C-clyd?"

Si Clyd? Paano ko makakalimutan ang taong mahal ko? Kahit isang libong beses pa mangyari sa akin ang ganito, hinding hindi siya malilimutan ng puso ko.

Napapikit na lang ako sa isiping iyon at biglang nagbalik sa isip ko lahat ng pagkakataon na magkasama kami. Yung unang beses na nakita ko ulit siya, yung pagkakataon na nagbabangayan kami, yung nautot siya bigla nung nasa amusement park kami, yung araw na nagpaalam ako sa kanya, yung mga ngiti at tawa niya.

*dug dug* *dug dug*

Bigla akong napamulat nang may maramdaman akong kakaiba sa sarili ko at hindi nga ako nagkakamali. Unti unting nagliliwanag ang dati'y madilim na paligid ko at ramdam na ramdam ko ang bahagyang pagluwag ng mga kadenang nakagapos sa akin.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?! HINDI ITO MAAARI! AKIN NA ANG KATAWAN NA ITO!" dinig kong sigaw ng isa ko pang pagkatao. And it triggered me something.

"So, that's it. Kung tama ang hinala ko, kailangan ko lang balikan lahat ng alaala ko ng mga taong mahahalaga sa akin at makakabalik na ako, hindi ba?"

"YOU DARE!" in just a second, nakaramdam na naman ako ng pagbabago sa aking paligid. Ramdam na ramdam ko ang pagbigat ng aking katawan kasabay ng matinding sakit ng aking ulo. Kung gayon, sinusubukan nya na tuluyan nang kontrolin ang katawan ko.

Ngunit hindi na ako makakapayag na mangyari iyon. Lalo pa ngayon at alam ko na kung paano ako makakabalik sa dati. Kahit na sobrang sakit na ang nararamdaman ko, pinilit ko pa ding labanan ang sarili ko. Ang mahalaga, makabalik ako.

'Kailangan ko silang balikan. Kailangan kong alalahanin ang lahat. Naghihintay silang lahat sa akin.' Iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang patuloy ko pa ding nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko.

"ENOUGH!!!"

.

.

.

.

.

Unti unti akong nagmulat ng mata at agad na bumungad sa akin ang pamilyar na lugar na ito. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung silid na lagi kong nakikita noong nakagapos pa ako.....dati.

Mabilis akong napabangon kahit pa bahagya pa ding sumasakit ang ulo ko. At hindi nga ako nagkamali sa aking naiisip. Sa wakas, nakabalik na din ako! Gusto kong magtatalon sa tuwa pero hindi ako dapat magsayang ng oras. May mga bagay pa na dapat kong gawin.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon