[2] Concealed Image

470K 8.8K 2K
                                    

                                                                             *****

Hindi makapagconcentrate si Blake sa kanyang work table. Maya't mayang naagaw ni Alex ang atensiyon niya mula sa pagbabasa. Kanina lamang ay katabi na nitong nakahiga si Cassandra sa kanilang kama ngunit nang makatulog ang anak ay bigla na lamang itong bumangon.

Humarap ito sa salamin. Wala sa oras na naglagay ng makeup at pinaglaruan ang mukha. Pagkatapos maghirap sa pag-aayos ng sarili ay pinahid lamang ng tissue paper ang makeup. Tumayo't nagtungong banyo. Lumabas na bagong hilamos na. Naupo ulit sa harap ng salamin. Naglagay ng kung anu-anong cream sa mukha at tinitigang mabuti ang sarili. Hindi pa nakuntento. Tumayo't inihapit sa katawan ang suot na pantulog at umikot-ikot ng ilang beses sa salamin.

"Hon, tumataba na ba ako?" tanong nito sabay hawak sa tiyan habang nakatingin pa rin sa salamin.

Napapabuntong-hiningang tinigil niya ang pagbabasa at itinuon ang buong atensiyon kay Alex.

"I don't notice any changes. You shouldn't ask me about that dahil madalas kitang makita. Ask someone who doesn't see you everyday."

Itinaas ng misis ang magkabilaang braso. Niyugyog ito upang tingnan kung lumalambot o lumalaylay na rin ba ang mga triceps.

"Hon... feeling ko talaga tumaba ako," dismayadong-dismayadong sabi nito.

Iiling-iling na bumalik siya sa pagbabasa. "Ikaw kasi tinigil mo na yung ritual exercise mo. It was a big help in maintaining your fitness," kaswal na sagot niya.

"Pano pa ba naman ako magkakapanahon diyan eh sa pag-aasikaso pa lang diyan sa anak mo ubos na ang oras ko."

"I told you to entrust your daughter to her yaya at least three hours a day para naman magkapanahon ka diyan sa sarili mo. Try to pamper yourself a little more tutal malaki na rin naman si Cassandra. Hindi na siya masyadong alagain."

Natigilan si Alex sa narinig. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni Blake. Agad siyang tumingin sa mister. Parang sinasabi na nga nitong kailangan niya nang magpaganda.

"Kailangan ko na ba talaga i-pamper ang sarili ko? Ano bang dapat kong ipagawa? Facial? Massage? Body scrub? Parlor?"

Lumapit siya sa di gaanong nakikinig na kausap. Tumayo siya sa tabi nito at ipinaling ang ulo nito papaharap sa kanya. Yumukod siya upang ilapit ang mukha sa asawa at itinutok ang table lamp sa sarili.

"Blake tingnan mo ngang mabuti ang mukha ko. May mga wrinkles na ba?"

Sumunod naman si Blake. Seryosong-seryoso itong tumitig sa kanya.

"Merong kaunti under your eyes but they're not obvious yet. Makikita lang pag tinitigang mabuti," natural na sagot nito.

"Sigurado ka? Baka naman ayaw mo lang sabihin sa akin ang totoo?"

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon