[17] Fear Awaits You

281K 6.5K 650
                                    

       

                                             ****

"One hundred ninety eight... one hundred ninety nine....two hundred!"

Tuwang-tuwa si Cassandra habang binibilangan ang inang nagsisit up. Nakaupo siya sa mga paa nito at nakaakap sa mga hita.

"Two hundred-" nawala siya sa pagbibilang. "Mom, I can't count properly from two hundred onwards. Can I start again at number one?"

"Okay," tipid na sagot ni Alex na may sariling bilang sa kanyang isipan.

"One...two...three.." Pinipindot-pindot ni Cassandra ang tiyan ng nanay. "Aw Mom! Ang tigas ng tummy niyo...Four...five...six." Tumayo siya nang magsawa sa kakaakap sa mga hita ng ina pero tuloy pa rin sa pagbibilang. "Seven...eight... Mom can I do it too?"

"Sure."

Nahiga siya at kinopya ang ginagawa ng magulang. Inilagay niya rin ang mga kamay sa ilalim ng ulo at sinubukang iangat ang katawan. "M-Mom this is too h-hard..." Nakaangat siya ng isa at sumubok ulit. "Ouch! T-This is painful."

Huminto siya at bumangon. "This is hard I better try the one you did earlier."

Dumapa siya sa exercise mat at itinuon ang magkabilaang kamay. "This is what they called push up Mom, right?" Sumubok siya ng isa ngunit hindi niya maiangat ang balikat. "Ouch this is more difficult!"

Tumayo siya saka muling naupo't umakap sa mga hita ng nanay. Bumalik na lamang siya sa pagbibilang. "One, two, three..."

Tumigil si Alex.

"Huh? Are you done Mom?" sabay alis ni Cassandra sa pagkakaupo sa paa ng ina.

"Yes," tumatayong sabi ni Alex sabay kuha sa tuwalyang nakasabit sa treadmill at pinahiran ang pawisang katawan. "Let's go anak. It's time to prepare for school."

Masiglang sumunod si Cassandra na sa mga sandaling iyon ay punumpuno ng paghanga sa ina dahil sa katatapos lang masaksihan na ginawa nito. Hawak kamay silang naglakad habang maya't maya niyang tinitingala ang nanay. "Mom I didn't see you do those kind of exercise before. Usually you just run on the treadmill."

"Mom used to do it regularly but not until I got pregnant with you," pag-amin ni Alex.

"Wow! But Mom di po ba only tough men can do those difficult workouts?"

Ngumiti si Alex at tinapik sa ulo ang anak. "Women can do it too."

"Can I do it when I grow up?"

"Yes."

"Hindi kayo magagalit?" taka ng bata.

"Bakit naman magagalit si Mommy eh ang exercise ay ginagawa to have a healthy and fit body," nakangiting sagot ni Alex.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon