[10] Roses and Lipstick

307K 6.7K 582
                                    

                

                                                      *****

Napabalikwas ng bangon si Blake. Tumingin siya sa paligid ng isang hindi pamilyar na silid. Wala siya sa kanilang kuwarto at tila nasa loob siya ng isang hotel. Tinanggal niya ang nakatakip na kumot sa sarili. Laking gulat niya nang makitang tanging boxer short lamang ang suot niya.

Anong ginagawa niya dito?

Tumingin siya sa kama. Wala siyang katabi. Dali-dali siyang tumayo. May kasama ba siya? Ginalugad niya ang buong silid pati CR. Walang ibang naroroon maliban sa kanya.

Paano siya napunta dito?

Nanghihinang naupo siya sa kama. Napasapo siya sa mukha at pagkuway minasahe ang noo habang inaalala ang mga nangyari. Ang huling natatandaan niya'y nasa karaoke lounge sila kasama ng isang bisitang investor galing Hong Kong. Batid niyang medyo napasobra siya ng inom at dahil pagod siya'y mabilis siyang nalasing. Natigilan siya nang maalalang parang sinundo siya ni Alex. Pero bakit mag-isa lamang siya? Nasaan ang kanyang asawa?

Nakita niya ang cellphone sa mesang katabi ng kama. Dali-dali niya itong dinampot. Nagulat siya nang makita ang oras, alas kuwatro y medya na ng madaling araw. Mas lalo siyang nagulat nang makita ang sixty eight missed calls ni Alex. Tinatawagan siya ng misis? Kung ganu'y halusinasyon lang ba na sinundo siya nito? Bigla siyang kinabahan sa naisip. Umaatake na naman ba ang sakit niya pag nalalasing kung saan nakikita niya ang kaanyuan ni Alex sa ibang babae?

Nataranta siya at mabilis na nagbihis. Ano ang ipapaliwanag  niya sa asawa? Tiyak na puputaktehin siya nito ng mga tanong. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Nag-isip siya ng mga positibong bagay. Wala naman siguro siyang nagawang pagkakamali dahil kung meron man sana'y may naalala siya kahit konti. Siguro'y inihatid lang siya dito ng isa sa mga kasama niya. Wala kasi siyang driver. Pinauwi niya na ito pagkatapos niyang magpahatid sa venue ng birthday ng kanilang architect. Tiwala kasi siyang hindi siya mapapainom ng marami at nakapangako din siya kay Alex na hindi siya doon magtatagal.

Nasira lamang ang plano niyang umuwi ng maaga nang surpresang dumating ang dayuhan nilang investor. Mahalagang tao ito para sa kumpanya kaya kailangan niyang pakisamahan at estimahin. Medyo mahilig ito sa babae. Napilitan siyang sumama nang magyaya ito sa isang karaoke lounge. Kahit kasama siya sa nasabing lugar ay malinis ang kanyang konsensiya. Sa takot niya na lamang kay Alex, kahit pa maraming nakapaligid na babae'y wala siyang ka-table ni isa man. Inabala niya ang sarili sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasamang negosyante kaya naman siguro di niya namalayang napadami siya ng inom.

Kinapa niya lahat ng bulsa ng damit at nakahinga siya ng maluwag nang makapa ang wallet. Naroon din ang susi ng sasakyan. Natigilan siya ng may madukot siyang papel. Isa itong valet ticket ng hotel kung saan siya ngayon naroroon. Napakunot siya ng noo. Nakapagmaneho pa ba siya patungo rito sa kabila ng kalasingan niya? Baka naman ipinagmaneho siya ng mga kasama. 

Umiling siya at itinigil ang pag-iisip. Nagmadali siya sa pag-aayos ng sarili. Kailangan niya ng makauwi dahil baka sobrang nag-aalala na si Alex. Lumabas siya ng suite room habang isinisiksik sa bulsa ng pantalon ang kurbata. Pagdating sa lobby ay lumapit siya sa reception.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon