[30] Desperate 'House' Wife

351K 7.3K 877
                                    

               

                                                          *****

Natanaw ni Alex ang papalapit at nakahanda ng pumasok na mister. Nagmamadaling inayos niya ang hapag kainan. Maski na almusal pa lamang, talagang pinaganda niya na ang presentasyon ng mga ulam. Naroong nilagyan niya pa ito ng mga maiistilong garnishes. Sinalinan niya ng brewed coffee ang tasa ng asawa. Ginamit niya ang kapeng kayang punuin ang kanilang buong dining hall ng mabangong aroma. Baka sakaling gumanda ang mood ng lalaki.

"Mom you're wasting your efforts. This time, I think Daddy is really firm about his decision to imprison you in this house," napapailing na komento ni Cassandra habang nakaupo't naghihintay sa mesa. Kinausap din siya ng ina na suportahang kumbinsihin ang matigas na ama.

Pasimpleng pinandilatan ni Alex ang anak. "Shhh... be quiet your Dad could hear you." Mabilis siyang ngumiti nang makalapit sa mesa ang mister. "Hi Hon!" masayang bati niya sabay iminuwestra ang upuan nito.

Binigyan lamang siya ng simpleng tango ng lalaki at pagkuway tumikhim ito saka naupo. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Kahit anong klase ng paglalambing, panunuyo at pagbabait-baitan ang ipakita niya dito'y hindi pa rin ito tinatablan. Desididong desidido ito sa pagbibigay sa kanya ng parusa. Gayunpaman, hindi siya susuko sa pag-amo dito. Mababaliw siya kapag hindi siya nakalabas kahit sa loob lamang ng isang linggo, isama pa rito ang pagkakaroon niya ng nakakaalibadbad na mga guwardiya.

"Hon anong gusto mong ulam?"masayang tanong niya.

"Anything," tipid na sagot ng mister na halatang umiiwas ng tingin. "Lita!" tawag nito sa isang katulong.

"Yes Sir!"

"Where's Grandpa's newspaper?"

"Ay oo nga po pala! Kukunin ko lang po sa guard house," tarantang sagot ng katulong.

Masiglang nilagyan ni Alex ng pagkain ang plato ng asawa.

"Mom ako rin po," may tampong wika ng anak.

"Okay. Pagkatapos ni Daddy," malambing na sagot ni Alex.

Ngumuso ang bata sabay lingon sa ama. "Daddy hanggang kelan po ba makukulong si Mommy dito sa bahay? Tsaka are those cool guys watching outside gonna stay here for long?"

Ngumiti si Blake sa bata. "Sweetie that's something that only concerns adults so stay out of it, okay?"

"Okay po," kibit balikat na sagot ni Cassandra. "Did your hear that Mommy?" Ngunit ilang saglit lamang ay muling nagbago ang reaksiyon nito. Di kumbinsidong tumingin ulit ito sa tatay. "But Dad... don't you think it's unfair to punish Mom just because she did brave things?"

"I said stay out of it Cassandra," madiing sagot ng ama.

"O-Okay." Tiningnan ng batang babae ang ina at kunway patay malisyang inilapit dito ang kanyang pinggan. "Mom my plate too."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon