[28] My Supermom & My Hero

272K 6.7K 1K
                                    

                   

                         ****

Tila lumilipad sa bilis ng takbo ang sasakyan ni Alex. Di sila maabutan ng mga kriminal pero matiyaga ang mga ito sa pakikipaghabulan. Ngunit nang halos mahigit isang oras na silang naghahabulan, inumpisahan nang paputukan ng mga kidnappers ang gulong ng di maabut-abutang kotse.

BANG!

"Mom I guess their shooting guns!" 

"Puta!" napamura si Alex matapos marinig ang putok. "Dapa kayo! Dapa!"

"Yes Mom! Dapa Dominic!"

Dumapa ang dalawa ngunit biglang umiyak ang batang lalaki sa takot.

"Shut up! Bakla ka ba?! I'm not even crying!" pagalit ni Cassandra sa kaibigan.

Umimpit ang iyak ni Dominic hanggang sa napilitan itong tumahan at sinarili na lamang ang takot habang napapatakip ang mga kamay sa tenga.

"Mom don't you have a gun?!" 

"I don't have one!"

"Haist what kind of ex-police officer are you?!"

"Shut up Cassandra! I'm concentrating!"

BANG!

Naisip ni Alex na mas malalagay sa peligro ang dalawang bata kung patuloy siyang makikipaghabulan. Kailangan niyang maghanap ng pwedeng pagtaguan. Malayo na ang nararating nila at nakalabas na sila ng Metro Manila.

Pamilyar siya sa lugar na kinaroroonan nila. Isa ito sa mga lugar na  pinapatrolan nila noong araw nang minsang may naganap na rape case dito. May alam siyang isang lumang abandonadong gusaling nasa tabing kalsada lamang. May matataas itong mga pader at katabi ito ng mga palayan.

Itinodo niya ang bilis ng kotse nang matantiya niyang malapit na sila sa nasabing gusali. Lumaki ang distansiya niya sa mga kriminal at nang marating ang lumang gusali bigla niyang kinabig ang manibela at binangga ang gawa sa marupok na kahoy nitong gate. Pumasok sila sa loob. Ipinarada niya ang sasakyan sa likod ng gusali at agad-agad na ibinaba ang mga bata.

"Where are we going mom?"

"Itatago ko kayo."

Patakbong inakay ni Alex papasok ng gusaling may tatlong palapag ang dalawa. Umakyat sila sa ikalawang palapag.

"But they saw us. They know we're here!" komento ni Cassandra.

"I know what I'm doing! Be quiet. Just follow and trust Mom, okay?"

Tumahimik ang batang babae at alertong sumunod sa gusto ng magulang. Pumasok sila sa isang silid na walang door knob o kahit anong lock. May nakita si Alex na isang may kalakihang inaanay na na cabinet at doon itinago ang dalawang bata.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon