[33] The Abducted

285K 6.3K 797
                                    

                                      ****

"Trust me and trust my reasons. My whole being only belongs to you and Cassandra. Yan lang ang lagi mong tatandaan."

Paulit-ulit na iniisip ni Alex ang mga salita ni Blake tungkol sa desisyon nitong pansamantalang sakyan ang kagustuhan ni Isabelle at ng ama nito. Hindi niya magawang tumutol. Masakit pero kailangan niyang intindihin dahil kagagawan niya kung bakit lumala ang problema. At kung bakit naiipit ngayon ang asawa sa isang alanganing sitwasyon. Higit na pinapairal niya ang tiwala kay Blake at naniniwala siya sa intensiyon nito.

Pero.... sa kabila ng lahat ay di niya pa rin maiwasang huwag matakot. Dinudurog ang puso niya sa tuwing naiisip na may ibang babaeng inaasikaso ang asawa. Sumasagi pa rin sa isipan niya ang mga bagay na kinatatakutan niya. Paano kung mahulog ang loob nito? Paano kung mapalapit ito sa ipinagbubuntis ni Isabelle at ang pansamantalang pag-ako ay mauwi sa totohanan? Hindi niya kakayanin. Ni sa panaginip ay di niya kayang tanggapin na mawawala sa kanya si Blake.

Nasasaktan siya pero bakit wala siyang magawa?

Tahimik na tumulo ang kanyang luha.

"Mom are you crying?" puna ni Cassandra na noon ay pinapatulog at tinatapik-tapik niya.

Mabilis niyang pinunasan ang mga mata at ngumiti. "Wala ito anak. May naisip lang na malungkot si Mommy."

"Hmmm... let me guess. Siguro malungkot na malungkot na kayo dahil nandidito lang talaga kayo lagi sa bahay."

Hinaplos siya nito sa pisngi. Bahagyang lumungkot din ang mukha nito. "Mom I will help you this time. I'll beg Dad to lift his punishment. I'll tell him that you're very lonely to a point that you're already crying....Don't cry Mom because it breaks my heart."

Umiling siya. "No sweetie. Please don't tell Dad that Mommy cried."

"Bakit po?"

"Baka kasi mag-worry siya masyado tapos maapektuhan yung pagtatrabaho niya. There's a lot of things going on inside your Daddy's head right now kaya huwag na nating dagdagan, okay?"

"But how about you Mommy? Is it okay for you to be lonely?"

Sumagot ng matamlay na tango si Alex. "I'm fine sweetie. These things happen because of my fault therefore I need to accept the consequence, madali man o mahirap. Ganun naman dapat di ba para matuto tayo sa mga naging pagkakamali natin."

Tumagilid si Cassandra papaharap sa ina. Isiniksik niya ang sarili sa magulang at siya naman ang marahang tumapik-tapik dito.

"Don't worry Mom. I'm here. Ako na lang po ang magko-comfort sa inyo."

"Salamat anak," sabay halik ni Alex sa noo ng bata.

"But where is Dad? Bakit po these past few days parang lagi na naman siyang late umuwi?"

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon