[26] Someone Like Her

260K 6.6K 810
                                    

             

                    ****

"WHERE ARE THE BAD GUYS?!!! I'm gonna put them in jail!" maangas na bungad ni Cassandra pag-apak na pag-apak pa lamang sa pinakatanggapan ng headquarters.

Naglingunan ang mga pulis at agad ang mga itong napangiti pagkakita sa bata. "Wow! May espesyal na bisita pala tayo ngayon!" hiyaw ng mga ito.

Sinaluduhan isa-isa ni Cassandra ang naroroon at natatawang sinagot naman siya ng saludo ng bawat isa. Napalingon siya sa isang lalaking nakaposas habang kinakapanayam ng isa sa mga pulis. Buong tapang na dinuro niya ito.

"YOU! Stop being a bad guy! Don't wait until I grow up or else you'll be dead!"

Napakamot sa ulo ang lalaki na halatang hindi naintindihan ang binitawang englis ng bata.

"Tama na yang mga pasakalye mo Cassie," saway ni Alex. "Here." Inabot niya sa anak ang bitbit nilang pasalubong na cake.

"Sino po ba kasi ang may birthday?" biglang malumanay na tugon ng bata habang tinatanggap ang cake.

"Give it to Inspector Aldovar."

Agad na sumimangot ang bata. "I don't like him."

"Stop being hypocrite. I know you don't. Sige na ibigay mo na yan."

Walang ganang sumunod ang batang babae subalit napapaapir naman sa bawat mesang madadaanan patungong opisina ng binatang inspektor. Nang makalapit ito sa pintuan ay siya namang labas ni Melchor sa nasabing opisina.

"Oh, look who's here my super cute BFF. Hi Cassandra!" namimilog ang mga matang bati nito.

"Hi," walang siglang sagot ng bata.

"Did you miss me? Kaya binibisita mo na ako ngayon."

Ngumuso si Cassandra. "I'm not here for you. My mom and I come to greet the handsome policeman."

Kusang lumabas si Brandon sa opisina nang maulinigan ang boses ng bata. Tumabi siya kay SPO2 Balatbat at nakangiting sinalubong ng bati ang bisita.

"Hi Cassandra! Finally, bati na ba tayo?"

Kunway nag-isip ng ilang saglit ang batang babae habang iniuugoy ang katawan. "Hmmmm...maybe? Here," sabay abot sa dalang cake. "Happy birthday! I'll be nice to you today because it's your birthday."

Tinanggap ng binata ang bigay. "Thank you sweetheart."

Nagpalinga-linga si Cassandra. "But... don't you have a party?" taka niya.

"No. It's inappropriate to have party on duty hours," sagot ni Brandon.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon