[3] Power House

439K 8.4K 1.2K
                                    

                         

                                                                ****

Mahigit isang taon ng hindi nakakalakad si Don Henry. Kung hindi kama ay wheel chair na lamang ang madalas niyang paglagian. Sanhi ito ng ikalawang atake niya sa puso. Ang unang atake niya ay nadala pa sa therapy ngunit itong panghuli ay tuluyang ng naging paralisado ang kanyang mga paa.

"Kumusta ang itinatakbo ng plano mong city complex sa Bataan?" tanong nito sa apong madalas bumisita sa kanyang kuwarto pagkagaling opisina.

"There's a good news on that one. Finally, Mr. Chan of Hexagon Realty accepted our partnership offer," may ngiting sagot ni Blake.

"Hmmm... how did you manage to convince the top real estate company of the country to work with a neophyte in this field?"

"Because the new chairman of Golden Pacific is quite awesome," mayabang na biro ni Blake.

Nang tumuntong si Blake ng trenta, pinalitan niya na sa posisyon si Don Henry. Dahil na rin sa tuluy-tuloy na panghihina ng katawan ng matanda, minabuti na nitong magresign sa kumpanya at ipaubaya na lamang sa apo ang pamamalakad. Naging maganda ang performance ni Blake sa loob ng anim na taong pagiging CEO nito kaya majority ng mga board of directors ay sumang-ayon sa pag-upo niya bilang bagong chairman ng Golden Pacific.

Subalit kahit wala na sa posisyon si Don Henry, mahalaga pa rin ang opinyon nito sa pamamalakad ng kumpanya kaya't pagdating sa paggawa ng mahahalagang desisyon ay kinukunsulta pa rin ito ni Blake.

"Baka naman nalilihis na ang focus mo sa realty na yan at nakalimutan mo na ang totoong linya ng ating kumpanya," nag-aalalang sabi ni Don Henry.

Umiling si Blake. "That's not gonna happen. Medyo nagfofocus lang ako sa city complex because I want to build a solid foundation before I entrust it to our employees. Kalahating bilyon ang inilabas nating pera dito that's why I can't feel relax on this project."

"Mapagkakatiwalaan ba ang mga empleyado mo dyan?"

"Yes. We scouted the experts. All of them believe in our project that's why they chose to come to our company."

May kumatok sa pinto at natigil ang pag-uusap ng maglolo. Pumasok ang isang katulong hawak ang  tray  na may isang basong tubig at mga gamot. Kasama nito si Cassandra.

"Grandpaaa! Medicine time!" tumatalon-talon pang bungad ng bata.

Namilog pa lalo ang dati ng mabibilog na mga mata pagkakita sa kanyang ama. "Whoah! Daddy you're home!"

Lumapit si Cassandra sa nakaupong daddy at dumamba sa likod nito sabay pupog ng halik.

"Where's your mom?" tanong ni Blake.

"She's cooking our dinner-" sabay bulong nito sa tenga ng ama. "Dad she's busy in the kitchen... we can sneak out. Let's play car racing video."

Ang Misis Kong Astig!Where stories live. Discover now