Ang Pagwawakas

3K 58 6
                                    

Nagulat na lamang si Alice sa mga putok ng baril.


Nang bumaling ang tingin nito kay Shiela, walang tigil ang pagdaloy ng dugo mula sa bibig nito habang hinahabol ang hininga.


Isa isang pumasok ang mga pulis sa kwarto.



Janus! - pagtawag ni Mr. Custudio



Nurse! Nurse! - agad na tawag nito nang makita ang kalagayan ng anak niyang si Janus.



Agad na pumasok ang mga nurse at inasikaso si Janus at Alice.



Walang tigil sa pagpatak ang luha ni Alice sa mga pangyayari.



Ang katotohanan na labis na kanyang ikinagulantang.

Ilang linggo ang nakalipas.

Dumalaw sa puntod ni Shiela si Alice.

Naluluha parin ito habang naalala ang mga pangyayari.

Hangad ko ang katahimikan mo Shiela, pati narin sa iyong ina kung nasaan man sya.. - huling wika ni Alice habang iniaalay ang dalang bulaklak sa puntod nito

Nahatulan naman ng mabigat na parusa si Janus dahil sa ginawa nitong pandaraya na naging ugat ng lahat kaya nagpasya ang pamilya nito na mag migrate sa US.

Bago lumipad papuntang America, nagtungo sila Janus sa tinitirahan ni Alice.

Nandito ako para magpa-alam. Alam ko hindi mo pa ako kayang patawarin sa mga nagawa kong kasalanan na nahing ugat ng lahat ng ito. Umaasa ako balang araw, magiging maayos na ang lahat. - wika ni Janus

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon